RUTHLESS 10 - change personality

1.8K 47 2
                                    

ZEAN POV

Ilang ulit ko ng sinubokang tawagan si Grave dahil magtatatlong araw na rin  mula noong nagpunta siya ng Cebu para makipag usap kay Death.

Nag aalala na ko ng sobra sa kanya. At humingi na rin ko ng tulong sa mga kaibigan ko pero wala  paring balita. Plano ko sanang sundan sila sa Cebu kaso pinigilan ako ng mga magulang niya dahil baka raw maistorbo ko ang pagsasama nila ni Death.

Pero hindi parin ako mapakali hanggang hindi siya tumatawag sa akin o nagpaparamdam man lang. Kilala ko si Grave, tuwing aalis siya ay  tatawag at magtetext siya sa akin o hahanap ng paraan para lang macontact ako.

"Zean baka masira yang phone mo. Grabe ka manggigil ehh. Diba nga sabi ng parents niya baka ay nagbobonding ang dalawa. Hayaan mo na" pangaral ni Judy.

"Alam mo Judy hindi ka nakakatulong. Syempre magpoproblema si Zean dahil hindi ugali ni Grave ang hindi magparamdam"sabat naman ni Marieve. Mukhang tama nga siya.

"Agree ako. At tsaka tatlong araw na siyang missing in action kaya malamang may masamang nagyari don" segunda naman ni Anejean. Ako bay papatayin sa takot nito.

"Isa ka pa ehh. Tinatakot mo ba si Zean. Ako sayo Zean ay puntahan mo na para maka sure ka at maging mapanatag ka narin." Inis na sabi ni Renren. Mukhang si Renren lang ang maaasahan ko sa mga kaibigan ko nato. Pero ang problema ko ay hindi ko alam kung saang parte ng Cebu sila nagkita. Pano na tohhh.....

Bakit ba puro nalang problema ang dala ni Deat-----

"ZEAN NANDITO NA SI FAFA GRAVE"

Hayy bakit ba ang ingay ingay ni Junnavy. Hindi ba niya nakikita na nagpoporoblema ako tungkol kay Gra.......Teka si Grave ba ang pinatutungkolan niya.

"Aswang mukhang si Grave na nga toh..tignan mo" paninigurado sa akin ni Renren. Kaya naman nakitingin narin ako sa bintana. At mukhang hindi nga sila ng kamali dahil sasakyan nga iyan ni Grave.

At nagulat ako ng tumingin siya sa amin at ng smirk bigla. Teka hindi naman gawain ni Grave ang mag smirk at mukhang sa akin lang pala siya nakatingin o nakatitig na tagos sa kaluluwa ko. At bakit kinabahan yata ako bigla. May problema ba ako sa puso o si Grave ang may problema.

Natigil ako sa pag iisip ng hilain ako ng mga kaibigan ko pababa. At habang papalapit kami sa pinto ay mas lumakas ang kaba ko. Ito ba ang epekto kapag miss mo ang isang tao??

At ng makalabas na kami ay hindi ko kayang tignan siya sa mata dahil parang hihigupin niya ang enerhiya ko. I can feel his intimidating stares. Kaya dahan dahan kong iniangat ang mga tingin ko. At halos mahigit ko ang hininga ko ng makita ko ang uri ng tingin na pinupukol niya sa akin. His stares are like daggers digging through my soul. Teka galit ba siya ?

"It's that how you welcome your fiance?" Calm pero may diin na tanong niya that make ni shiver. Iba na rin ang uri ng aura na mayroon siya. May nagyari bang masama habang magkasama sila ni Death. Bakit parang nagbago siya.

"Hoyy aswang...lapitan mo na ang fiance mo dahil mukhang galit. At mauna na rin kami para makapag usap kayo ng maayos." Paalam ni Marievi sa akin. At ayon ng unahan na silang umalis. Siguro na feel din nila ang aura ni Grave kaya sila umalis. Kahit ako nga ay natatakot sa presensya niya.

At para maibsan ang galit niya ay lumapit ako at niyakap siya. Pero  nagulat ako ng hilain niya ako paharap at halikan na para bang sabik na sabik. Syempre nagulat ako kaya hindi ako nakahalik sa kanya pabalik na ikinatigil niya. Tinignan niya ako ng masama at dahil doon ay nainis ako.

"What is wrong with you ?"asik ko sa kanya dahil hindi ko na siya maintindihan. Siya pa nga tong may attraso ay siya pa tong galit.

I saw his jaw clenched pero kalaunan ay kinalma niya ang sarili niya na animoy kinocontrol ang galit niya.

"Sorry I just miss you.........a lot." Hingi niyang paumanhin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan pero fiance ko siya kaya dapat marunong akong umintindi.

At para mawala ang tensyon sa pagitan namin ay niyakap ko siyang muli ng puno ng pagmamahal.

"S-sorry din ...nabigla lang ako. Miss you too Puntod. Grabe ang pag aalala ko sayo. Ano ba ang nagyari?"tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin ay hinalikan niya ako ng mapusok. Inaamin ko na first time akong halikan ng ganito ni Grave at hindi ko iyon nagugustuhan kaya tinulak ko siya ng buong lakas. Nalasahan ko rin ang dugo sa labi ko dulot siguro ng mapusok niyang halik. Sumusobra na siya...

"GRAVE pwede ba itigil mo muna ang paghalik sa akin. Nasasaktan mo na rin ako. Mabuti pa ay sagutin mo muna ang mga tanong ko ng hindi na ko nagugulohan." Pagsusumamo ko sa kanya dahil na tatakot  na rin ako sa mga kinikilos niya. Ayaw ko sanang  isipin na parang....parang

Nag iba siya ng KATAUHAN.

🙄🙄ahmmm....ano kaya ang nagyari kay Grave???😶😶

😘😘jeanobsession😍😍

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon