RUTHLESS 11 - the real Grave

2.1K 44 3
                                    

ZEAN POV:

"Ok let's talk"sa wakas ay nakumbinse ko na siya. Ang hirap na man nitong kausap.

"But not here. Doon tayo mag uusap sa bago nating bahay"dagdag pa niya na ikinatigil ko. Tama ba ang narinig ko. Ibabahay na ba niya ako. Then that's not a good idea.

"ANO??? You must be kidding me" sinabayan ko pa ng tawa para naman hindi siya mapahiya kung totoong ng bibiro lang siya.

"NO.I'M.NOT" may diing sabi niya. Heto na naman siya at nagagalit na naman.

"HINDI AKO PAPAYAG hangga't hindi rin pumapayag ang parents ko. Hindi porket fiance na kita ay pwede mo na akong ibahay."pagmamatigas ko. Syempre bilang babae, dapat hindi muna tayo sasama sa lalaki sa iisang bubong habang hindi pa kasal. Inaapakan naman niya ang pride ko bilang isang babae.

"Damn it....Get inside the car at ako na ang magpapaliwanag sa kanila."sabay hila niya sa akin at pinipilit na ipasok sa dala niyang kotse.

"Pero---" tutol ko sa kanya pero hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Can you just please obey me Far-- I mean Zean. FUCK THIS."  Sigaw pa niya matapos niya akong maipasok sa lood ng sasakyan. Sinara pa niya ng napakalakas ang pinto. This man is unbelievable.

Kahit labag sa kalooban ko ay tumahimik na lang ako at hinintay nalang siya sa loob ng kotse.

At hindi ko na malayan na may isang butil ng luha ang umagos mula sa  mata ko. Ito na ba ang totoong Grave, nagbabalat kayo lang ba siya noon at ngayon ay pinapakita na niya ang totoo niyang kulay.

Litong lito na ko kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko habang pinoproseso sa utak ko ang nagyari kanina.

'SANA BUMALIK NA ANG DATING GRAVE' piping dasal ko naman.

------

Nagising ako ng pabagsak niyang sinara ang pinto ng kotse. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ko. Kaya naman inayos ko ang pagkakaupo. At tinanong ko siya agad...

"So ano na??. Lalabas na ba ako dahil tiyak ako na hindi sila pumayag. Am I right???" Pag uuyam ko sa kanya. Nagsasayang lang kami ng oras dahil nakakatiyak ako na hinding hindi sila papayag. Kilala ko sila at tsaka nag iisa nila akong anak kaya hindi sila papayag na mawalay ako sa tabi nila.

"Ofcourse not" determinadong sagot niya.

"Huwag mo sabihing napapayag mo sila??" Hindi makapaniwalang saad ko. Tinakot ba niya ang parents ko?? Hindi malabong mangyari lalo na sa ugaling may roon siya ngayon.

"What do you think??"sabi niya habang nakangisi. NO..... it can't be.

"Imposible. Lalabas ako....
Ako ang kakausap sa kanila" agad na sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kotse. Pero shit lang... ni lock talaga niya para makasiguro na hindi ako makakaalis.

"YOUR.NOT.GOING.ANYWHERE."
Sigaw niya saakin ng makita niya na pinipilit kong buksan ang pinto.

"Beside, di ba gusto mong mag usap tayo? Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa akin."dagdag pa niya habang pinapakalma ang sarili niya.

So I think I have no choice kundi sumama sa kanya. Pero I will make sure na pagkatapos naming mag usap ay aalis na aalis ako sa ayaw at sa gusto niya.

Habang nagmamaneho siya ay ramdam ko ang mga pasulyap sulyap niya sa akin. Ano ba ang problema niya? Parang ang tagal niya akong hindi nakita.

Alam ko na !!!....bakit bahh hindi ko ito naisip kanina pa. Di sana ay kanina pa ko nakaalis sa letseng kotse itong.

"Ahmmm...ano kaya kung dito nalang tayo mag usap?mukha kasing malayo pa ang bahay mo." Basag ko sa katahimikan. Kating kati na talaga akong makaalis sa kotseng ito.

"Bahay natin Zean.....
Bahay natin"pagtatama niya sa akin.

"Ahhh o-oo p-pala"alanganing sagot ko naman. Hindi ko alam pero kung nakipag usap pa sana siya ng maayos sa akin kanina ay baka ikinatuwa ko pa na may bagong bahay kami. Pero hindi ehh...ayaw ko sa ugaling pinapakita niya sa akin kaya gusto ko munang lumayo sa kanya. At alam kung kailangan rin niya yon para lumamig ang ulo niya.

"Ayaw mo ba akong makasama sa iisang bahay ...hahh Zean??" Mahinang tanong niya pero sakto lang para marinig ko. Bakit parang may bahid ng sakit ang pagkakasabi niya don?

"Hindi naman sa ganon. Ang akin lang bakit sa bahay pa tayo mag uusap kung pwede naman dito. At tsaka marami pang gamit ang naiwan ko sa bahay. "  paliwanag ko sa kanya. Ayaw ko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo niya.

"My decision is final. At tsaka may plano ako." Full authority na sabi niya. Kani kani lang parang nasasaktan siya tapos ngayon galit na namn .

"So may plano ka pero hindi ko alam. Kailan ka pa naging ganyan Grave?" Sumbat ko naman sa kanya. Kung gusto niya ng away then ibibigay ko sa kanya yon. At alam kung galit na galit na siya dahil dumidiin na ang pagkakahawak niya sa manobela.

"DAMN IT....gusto mo talagang malaman ang plano ko?" Galit na sabi niya sabay harap sa akin. At don nakita ko ng malapitan ang galit na galit niyang mukha na halos mamula na siya sa galit. Kaya binaling ko sa daan ang paningin ko dahil natatakot ako sa aura niya.

"Paano kung sabihin kung o-----
GRAVE MAY TAO.....AHHHHH" tarantang sigaw ko dahil may tao sa harapan at mukhang hindi niya ito na kikita dahil sa akin siya nakatingin.

"FUCK SHIT..... DAMN THIS MAN...
FUCK.FUCK" mura niya sabay break. Buti na lang hindi niya nasagasahan yong matandang lalaki. Muntik na yon.

"ARE YOU OK??"tanong niya sa akin pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko na wari mo'y nalunok ko ang dila ko.

"ZEAN ARE YOU EVEN LISTENING?" Untag niya sa akin sabay yugyug pa sa balikat ko. Kaya nakabalik ako sa aking ulirat.

"ah--ah o--o." Nauutal kung sagot sa kaniya.

Kaya pinatuloy niya ulit ang pagmamaneho. Pero ngayon ay maingat na siya at hindi na rin galit ang mukha niya.

"Sorry" paumanhin niya at alam ko na seryoso siya don. Kaya hindi na rin  ako nagsalita. Siguro sa bahay na lang kami mag uusap dahil hindi parin nawawala ang kaba ko dahil kanina.

I THINK WE NEED TO FIX THIS ISSUE BEFORE ARE RELATIONSHIP MESS UP..........

😂😂😂 good luck nalang sayo Jean este Zean pala😣😣😣

😍😍jeanobsession😘😘

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon