RUTHLESS 30 - Friends

1.4K 32 0
                                    

ZEAN POV:

"Hai fafa Grave.....ang gwapo mo talaga.....lalo kang nagiging hot at yummy!!"

"Tumahimik ka nga Jun!! Ahmm nasan nga pala si Zean...miss na namin ang aswang na iyon."

"Oo nga!! at tsaka ano na ?? May laman na bah?? Magiging ninang na ba kami."

"Hahaha.....sa gwapo at ganda ni Zean.....sure ako na nagsalpukan na sila."

"Hahahhaha......"

Ilan lang iyan sa mga naririnig ko sa baba. Noong una ay halos wala akong kabuhay buhay habang lumalabas ng kwarto pero ng marinig ko ang mga bungisngis at tawa ng mga kaibigan ko ay halos tumalon na ako pababa ng hagdan pero syempre hindi ko magawa dahil kahit konting galaw ko lang ay halos maglaglagan lahat ng buto ko sa sakit at kirot.

Miss ko na ang mga kaibigan ko kahit pa ganyan sila magsalita ay mahal ko sila. Siguro isa sila sa dahilan kung bakit pilit kung kanakalaban si kamatayan at na nanatiling humihinga at buhay. They are my strength, at the same time my weakness. At alam ko na kunting mali ko lang ay pwede silang madamay.

"After 1233363748339 years ay dumating ka rin Zean. Ba't ba ang tagal tagal mo? Hindi mo ba kami na miss?" Bungad ni Marievi sa akin.
Nandito na kami sa sala at mukhang komportable naman sila na parang sarili nilang bahay maliban kay Death. Alam ko na ayaw niya sa mga kaibigan ko pero kailangan niyang makisama at manatili bilang Grave sa mata nila.

"Syempre na miss ko kayo" saad ko naman sabay halik sa  kanila isa isa. Sana naman walang makapansin sa kalagayan ko.

"OMG what the hell happen to you?? Mukha kang bangkay na balot na balot. Are you ok....sinasaktan ka ba ni----" reaksyon ni Renahlyn. Sabi na nga ba at mahahalata parin nila ako. Buti nalang at sinalo ako ni Junnavy sa kalibogan niya.

"Ano ka ba ren..baka na sobrahan lang sila sa exercise nila ni Grave." Biro ni Junnavy dulot ng malikot at puno ng lumot niyang pang iisip. Siguro dapat akong magpasalamat na may kaibigan ako na ganito mag isip. At hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala si Death sa  akin sabay bulong.

"Do I have to remind you again? Huwag kang magkakamali or else they will be dead before the sun rises." Banta niya na matagal ko ng memoryado.

"Ahmmm ano... kasi....may sakit ako kaya ako pumayat at nagkaganito." Rason ko at pinagdarasal ko rin na sana maniwala sila.

"Anong sakit mo??" Usisa ni Judy.
Nako anong irarason ko. Hindi ko ito  napaghandaan.

"Ahhh alam ko na....di ba may sakit kang  appendicitis noon, huwag mong sabihin na bumalik iyon. Kawawa ka naman, baka ikamatay mo yan Zean hah?" Sabat ni Anejean na lubos kung pinapasalamat. Hulog siya ng langit sa sitwasyon ko na ito.

"Ahmmm....oo nga yon nga
Huwag kayo mag alala dahil nag papadoctor naman ako kasama si D--Grave" paliwanag ko na muntik ng  mauwi sa bukingan. Pero alam ko na hindi sila kumbensido base sa estado ko ngayon kaya binigyan ko sila ng nagsusumamong tingin. Minsan kasi ay ginagamit namin ang eye to eye communication kapag nagigipit ang isa sa amin at alam ko na nakuha nila ang pinapahiwatig ko.

"Ahm...ikaw bahala!! Teka may na alala ka ba okasyon ngayon? Baka magtampo ang isa dito..." pag iiba ng usapan ni Marieve na nakapag pahinga sa akin ng maluwag. Pero nahigit ko uli ang hininga ko ng mapagtantong wala akong maalalang okasyon ngayon.

"Ahmmm...ano...kasi.....wala akong maalala. Ano bang meron ngayon?" Tanong ko pa. Malay ko ba eh hindi ko na alam ang petsa at oras ngayon dahil pati iyon ay ipinagkait sa akin ni Death.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon