RUTHLESS 33 - Mess at the Party!!

1.3K 32 6
                                    

ZEAN POV:

PARTY....

hmmm..sounds good and exciting, I hope. Hindi ko alam ang kalalabasan nito knowing that Death is here with me. Alam kung mahilig siya sa party dahil sa siya naman talaga ang may-ari sa bar na pinamamahalaan ni Gra... I mean his older brother. Arrgghh!! Dapat kalimutan ko muna sya kahit ngayong araw lang. Saying his name is a big curse for me.

Ok back to the topic, yon mga mahilig sa party si Death pero ni kailan ay hindi kami ng sama niyan maliban lang kay.....you know. Kaya I hope walang masamang mangyari.

Mula ng mag-usap kami sa bahay ay hindi na ako nagsalita pa kahit dito sa loob ng kotse. I can't find the right words to say. Ayaw ko namang mag thank you dahil after all ay isa siya sa dahilan kung bakit sumuko si Grave. Bwisit na agreement kasi yan.

At bago pa ko umiyak ay pinatugtog ko nalang ang stereo ng kotse pero kung minamalas ka nga naman....

🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶
Tinatapos ko na by : Jona
( The world of the marriage couple )
"Darating din ang araw na yun
Malilimutan kita
Ang lahat ng sakit ay
Unti-unting mawawala
Dahan-dahan akong ngingiti
Makakayanan ko na
Hanggang dito nalang
Tinatapos ko na "
🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎶🎵🎶

Sa halip na patayin ang kanta ay mas nakinig pa ko. Ewan ko pero nakuha nito ang atensyon ko. Bawat letra at salita na binibitawan nito ay parang ako ang pinapatamaan. Feeling ko para sa akin talaga ang kanta, at kahit papano ay may nag motivate sa akin na kaya ko tong lagpasan. Yon ngalang hindi ako ang tumapos sa anong meron kami pero darating rin ang panahon na matatanggap ko lahat at ako mismo ang tatapos sa damdamin kung ito.

"Fuck!!" Bulalas ni Death at siya na mismo ang naglipat ng kanta. Nainis siguro.

🎵🎶🎶🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶
"Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka ng iba
Nandito pa rin ako nagmamahal sayo
----------------"
🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎵🎶🎶🎶

Nanlaki ang mata ko at hindi alam ang gagawin dahil hinahampas na niya ang stereo para huminto sa pagkanta. Kung kanina nainis siya, ngayon na man parang gusto na niyang patayin ang kung sino mang kumanta n'yon. Siguro natamaan siya sa kanta at ako naman ay namula rin dahil sa bwisit na kantang yon. Kapag iniisip ko na kinakanta iyon ni Death sa akin ay nakaka ubos na ng hininga.

"I fucking hate music tsk.!!" Pagmamaktol niya ng tumigil ang kanta dahil nagawa niyang sirain ang stereo ng kotse. Gosh!! Ang lakas niya.

"One more thing, wag kang lalayo sa akin sa bar or else uuwi agad tayo. Understood??!! Pag iiba niya ng usapan. At dahil sa ayaw ko ng pataasin pa ang usapang ito ay tumango na lang ako. Ano pa bang magagawa ko ehh s'ya ang boss ko ngayon.

At ng mapatingin ako sa bintana ay natanaw ko na ang nasabing bar. Pero iba na ang epekto nito sa akin dahil wala na ang wild and excitement na feelings kapag pupunta ako ng bar kundi napalitan ng need. I really need something to divert my attention and for me to feel free even in a short period of time.

Naunang bumaba si Death kaya sumunod na rin ako dahil hindi uso ang pagiging gentleman kay Death. Sa labas palang ay rinig na ang musika at sigawan. At ng tuluyan ng makapasok ay parang magigiba ang dibdib ko sa lakas ng musika at naninibago rin ang mga mata ko dahil sa mga ilaw. God!! Ang tagal ko na palang hindi nakakapunta ng bar kaya tiyak mukhang naninibago pa ko.

Everyone cleared pathway towards each other when Death walk in the crowd. Iba talaga ang nagagawa kapag ikaw ang may ari. Well everyone around us was in chaos and dancing so wild. May mga nagsasayawan at nag-iinuman at mayroon ding naglalandian na kulang na lang ay gumawa ng milagro. Gross!!

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon