RUTHLESS 17 - the real truth

1.9K 35 0
                                    

ZEAN POV:

Hindi ako handa sa lahat ng nagyayari ngayon kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kung maging reaksyon. Pano napunta si Grave dito eh di ba nga nasa simbahan na siya at bakit niya ginawa iyon sa mga tauhan niya????. Nababaliw na ba siya. Marami  akong katanongan at alam kung siya lang ang makakasagot lahat ng iyon kaya dapat ko ng ihanda ang aking sarili, ba ka hindi ko kayanin ang mga malalaman ko.

"Zean relax.... I will explain it to you. Lets talk outside." Malumanay na saad niya sabay labas ng kotse. Ngayon ko lang rin napansin na nasa magubat kami na parte siya huminto. Siguro nga mas safe kami dito. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto tulad ng ginagawa ng dating Grave kaya nagpaubaya nalang ako dahil pilit paring pinoproseso ng utak ko ang nagyayari. At ng hawakan niya ako sa aking pisngi ay lumayo ako dahil hindi parin ako nakakasiguro sa kanya dulot na rin sa kinikilos niya.

" Zean huwag kang matakot.....ako ito ang totoong........ Grave."pagpapakalma niya sa akin. Anong totoong Grave? Bakit nag iba ba siya o may peke na Grave?

"What do you mean???" Litong lito na  tanong ko. Please I need a clear answer.

"Hindi  ako I mean ang Grave na kilala mo ang kinakasama mo simula ng umuwi siya galing Cebu kundi si.....si"
.
.
.
.
.
.
.
"DEATH" parang bomba ang mga nalaman ko at nagsimula na rin akong umiyak ng umiyak. Ibig ba niyang sabihin ay   impostor na Grave ang nakakasama ko sa bahay, nakakahalikan ko at nayayakap ko. At si DEATH???? pano napunta sa usapang ito si Death.....

"THIS IS UNBELIEVABLE......kaya pala....." kaya pala ganon ang ugali niya. Kaya pala ang dali sa kanya ang saktan at murahin ako. Kaya pala ganon ang nararamdaman ko para sa kanya. And I'm such a fool para maniwala sa  pinapakita niya. Ang tanga tanga ko para hindi man lang mapansin at maghinala sa kanya at mas pinaiiral ang pagmamahal ko na hindi naman talaga para sa kanya.

"Oo kaya ganyan ang ugali niya dahil siya si DEATH at mas delikado siya ngayon dahil wala na siyang sinasanto. Maski ako na kapatid niya ay nagawa niyang saktan."kinilabutan naman ako sa mga sinabi niya. Tama siya delikado na ngayon si Death at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa oras na magkita kaming muli. Mabuti nalang hindi natuloy ang kasal namin dahil kung sakaling natuloy nga ay mas mabuti pang magpakamatay nalang.

"Pa--paano nag--nagyari iyon??" Nagkanda utal utal ko pang tanong dahil hindi parin ganon kalinaw sa akin ang lahat. Kung ano ba talaga ang motibo ni Death.

"Nagpa retoke siya sa Korea upang gayahin ang itsura ko para makuha ka niya........ngayon ko lang  rin na pansin na obsess na obsess siya sayo ngayon. Hindi ko alam kung kailan  nagsimula ang pagiging obsess niya...Fuck that psycho."nanggagalit na saad pa niya. Hindi malayong magaya nga niya si Grave dahil hindi rin malayo ang pagkakahawig nila. Pareho sila ng tindig o laki at pareho lang rin sila ng boses. Kung titignan mo sila sa malayo ay aakalain mong magkakambal sila pero sa malapitan ay magkaiba sila ng korte ng mukha at kulay ng buhok.

"Noong araw na pumunta ako sa Cebu ay hindi sumipot sa usapan si Death at bigla na lang may nangkidnapped  sa akin. They torture me like hell at ng dumating ang boss nila na siyang nagpakidnap sa akin ay halos hindi ako makapaniwala na si DEATH iyon. Oo na kilala ko agad siya dahil walang ibang tao ang gagaya sa mukha ko kung hindi siya lang at kilala ko ang kapatid ko kahit pa mag iba siya ng mukha. At ng sabihin niya sa akin na plano niyang agawin ka mula sa akin ay halos ikamatay ko na iyon. Hindi ko kayang mawala ka at mapunta sa demonyo kung kapatid pero sorry Zean. Wala akong nagawa dahil hawak niya ang buhay ko. Hindi ko alam kung ilang araw nila akong kinulong at noong nakahanap ako ng paraan para makatakas ay pinuntahan agad kita. Buti nalang hindi ka pa nakasal sa kanya kundi baka mapatay ko siya."  Mahaba niyang paliwanag. At dahil sa mga nalaman ko ay napa upo nalang ako sa lupa at walang tigil pa rin ang mga luha ko. So mali pala ako ng pinaniwalaan. Akala ko siya ang na kidnapped, yon pala siya ang nagpakidnap kay Grave. Gusto ko ng takbuhan lahat ng ito, pagod na ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"P-paano k-kung m-mahanap
n-niya t-tayo G-grave. Na-natatakot na ko G-grave" naluluhang pahayag ko kay Grave. Lumapit naman siya sa akin sabay yakap. Miss ko na ang yakap niya at sa mga oras na ito ay sa kanya lang ako makakalapit.

"Sshhhh.....huwag kang mag alala nandito lang ako.....hindi kita ibibigay sa kanya. Magkamatayan muna kami." Paninigurado niya sa akin. Pero hindi ko maiwasan na isipin ang kapakanan namin. Paano kung mahanap nila kami? Hindi ko kayang mawalay ulit kay Grave at hindi ko na rin kayang pakisamahan si Death.

'God please help us' piping dasal ko.

"Time's up, love birds. Time to say goodbye to each other." Isang nakakatakot na boses ang narinig namin ni Grave na nagpaputla sa amin pareho. Hindi maaari ito.
Kaya tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at halos takasan ako ng ulirat ng makompirma ko na si Death nga iyon.

At ng magtama ang paningin namin ay halos tumigil ang paghinga ko. May hawak din siyang baril na nakatutok kay Grave.Pero nagkaroon ako ng pag asa ng itayo ako ni Grave at pina puwisto sa likod niya na animo'y pinoprotektahan ako laban kay Death.

At sa kanya ako huhugot ng lakas at lalaban kami ng magkasama.

😣😣Grave vs. Death on the way😥😥

😘😘jeanobsession😗😗

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon