ZEAN POV:
I could no longer stand the pain. This is too much to handle. Kung pwede lang sanang magpakamatay ay baka ginawa ko na. But I have my child with me, hindi ko siya pwedeng idamay sa pagiging mesirable ko. Pero ayaw kung lumaki siya na walang kinikilalang ama.
Ayaw ko na matulad siya sa akin. May ama nga akong tinuturing pero hindi naman anak ang trato sa akin kundi bagay na siyang kapalit sa namatay niyang anak.
'Narinig mo iyon anak' masaklap pa sa hayop ang buhay ni mama at ayaw ko na madamay ka pa sa akin' kausap ko sa anak ko habang hinahaplos ang hindi pa gaanong maumbok ko na tiyan. Hindi mo man lang masisilayan ang ama mo because he choice to sacrifice himself than to be with us.
"Sorry!! Kung wala akong nagawa para maligtas si Death---"
Grave voice make my blood boiled. He just triggered something in me. Pagsisisihan niya at binuka pa niya ang bibig niya. Sa sitwasyon at estado ko ngayon ay dapat mas pinili na lang niyang manahimik.
"WALA KA TALAGANG GINAWA!!! Nangako ka Grave na ililigtas mo siya hindi ba?? pero naging abo na lang si Death dahil sa kapabayaan mo." Paninisi ko sa kanya.
Dahil sa binuksan na rin naman niya ang usapan ay mabuti pang ilabas ko na lahat ng hinanakit ko. Alam ko na maling manisi sa iba pero ito lang ang paraan para mabawasan ang sakit at pangungulilang nararamdaman ko. Gusto kung sisihin lahat ng tao sa paligid ko dahil sa sakit na dinadanas ko ngayon. Gusto kung ilabas lahat ng galit at poot na meron ako dahil kung hindi ay baka pati ako ay sumabog rin.
"Ano ngayon ang pakiramdam Grave?? Na mamatay ang dalawang importanting tao dahil sayo, dahil sa pagiging makasarili mo." Panunumbat ko pa kay Grave. Ito na ang oras para maningil. Simula't sapol ay siya ang may dahilan ng lahat ng sakit na mayroon ako. Kung sana nandito lang si Zean, baka naging magaan sa akin ang lahat.
Namutla si Grave at bakas sa kanya ang gulat at takot. Tama nga si Death, walang sino man ang maglalakas loob na sabihin sa akin ang totoo maliban sa kanya. Pati si Grave halos mahimatay sa gulat dahil sa takot rin siyang harapin ang katotohanan. All he did was look at me with a terrified expression.
"Na---nakakaalala ka na?" Grave finally spoke up.
"How I wish I could remember all the shit that you have done to me and to my sister. Pero wala!! Dahil wala rin naman kayong ginawa para imulat ako mula sa lahat ng katotohanan. Tanging si Death lang, si Death lang ang taong nangmamalasakit sa akin. PERO PATI SIYA AY DINALA MO RIN SA HUKAY!!! YOU FUCKING BRING DEATH TO HIS OWN GRAVE!!"
Parang sasabog ang puso ko dahil sa galit. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nagalit ng ganito na abot hanggang sukdulan. Gusto kung magwala at manakit pero ayaw makisama ng katawan ko. Sa bawat salitang binibitawan ko ay pahina ako ng pahina.
"Masakit rin para sa akin ang lahat FARRAH!!" Grave said with tears in her eyes. Naninibago ako, hindi dahil sa umiiyak siya sa harapan ko kundi dahil sa tinawag niya akong Farrah. Ni kailan ay hindi niya ako tinawag sa pangalang iyon na nagpapahiwatig na simula noong magkita kaming muli 10 years ago ay kinilala niya ako bilang si Zean at hindi si Farrah. The day he laid her eyes on me again is the day he recognize me as Zean. At doon nagsimula lahat ng kasinungalingan. Kung siguro hindi ko pa sinabi sa kanya na may alam na ko sa nakaraan ay baka patuloy pa rin niya akong tatawagin sa pangalang Zean.
"Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang pang iiwan ko sa kapatid mo, sa taong mahal ko. At ngayon pati si Death ay nadamay dahil sa akin. Lahat ng sakit at pagsisi ay unti unting bumabalik sa akin. This guilt is already consuming me. Sorry because I'm not capable of saving someone, even my love one's."
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
RandomMy breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Parang hawak niya ako sa leeg at nakasalalay ang buhay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mukhang...