RUTHLESS 47 - Familiar presence

1.5K 30 10
                                    

FARRAH POV:

"Saan tayo punta mama egg??" Pangungulit ng anak ko pero nagpatuloy parin ako sa pagdadrive.

Inaamin ko na kinakabahan talaga ako sa muling pagtatagpo namin ni Grave. Ang huling kita namin ay noong araw na nawala si Death at ang araw na lumayo ako mula sa kanila, mula sa kanya. At makaraan ang limang taon ay alam ko na maraming nagbago. Pero ni kailan ay hindi ko siya nasilayan sa loob ng limang taon at sana magandang pagbabago ang makita ko sa kanya ngayon. Sana malaya na rin siya mula sa sakit na dulot ng nakaraan.

Pilit ko siyang hinahanap noon pero kahit anong gawin ko ay ayaw niyang magpakita maski sa mga magulang niya. Sabagay, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. At ngayon ay masaya ako at siya mismo ang kusang nakipagkita sa akin.

Pero nakapagtataka dahil bakit naman sa isang amusement park niya gustong makipagkita? Alam kaya niya na dala ko ang anak ko ngayon?

"We're here little fetus, pero huwag kang lalayo kay mama egg hah??"

Hindi na niya nagawa pang sumagot dahil agad siyang bumaba ng sasakyan ng makitang nandito kami sa isang amusement park. Sinundan ko naman siya agad dahil baka mawala siya sa dami ng tao.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumunta kami ng amusement park kaso noong mga panahong iyon ay kasama pa namin sina Camela at Cross, tapos ngayon ay mag isa lang akong magbabantay sa makulit na batang ito.

Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Deven kaso nahihirapan din akong mahabol siya sa dami ng tao. Pero biglang may nakabanggaan akong bata kaya yumuko pa ko para tulongan siyang makatayong muli at pag angat ko ng ulo ay nawala na si Deven sa paningin ko.

"De---deven??"

No please!!! No, huwag ang anak ko.
I suddenly burst into tears. My body and hands was already shaking in fear. Panic was evident on my face as I scanned the whole place.

DEVEN NASAN KANA??
.
.
.
.
.
.

"MOMMY EGG!!" I automatically turned my head at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Deven na hawak hawak ni Grave. Tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap ng mahigpit ang anak ko. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala rin sa akin. Siya na lang ang meron ako.

"Daddy sino sila??" Biglang tanong ng batang nakabanggaan ko kanila. Teka, tinawag ba niyang daddy si Grave? Nabaling naman ang tingin ko kay Grave at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Ahm anak ko nga pala Farrah si Graven. Graven si tita Farrah mo pala at ang anak niya na si----"

"Deven!! Narinig kung sabi niya kanina, umiyak pa nga siya dahil akala niya nawala na si Deven." Sabat naman ni Graven kamo. So anak pala ni Grave yong nakabanggaan ko kanina.

Pero totoo ba toh!!! May anak na si Grave? Halos ayaw mag sink in sa utak ko na magkikita kaming muli ni Grave dala dala ang mga anak namin. Hindi ko talaga ito inaasahan. Marami na ngang nagbago sa loob ng limang taon.

"Laro muna kayo ni Deven anak, mag uusap lang kami ni tita Farrah mo." Sabi naman ni Grave ng makitang puno ng pagkabigla ang expresyon ko. Tututol sana ako dahil baka mawala na naman si Deven sa paningin ko kaso pinigilan naman ako ni Grave dahil may dalawang maid naman siyang kasama na siyang magbabantay daw sa mga bata. Hindi naman kami masyadong lumayo ni Grave at humanap lang ng tahimik na lugar upang makapag usap ng masinsinan.

Hinintay ko na si Grave ng unang magbukas ng usapan kaso tahimik lang siya habang iniiwasan ang mga tingin ko. Siguro ay nahihiya pa rin siya sa akin dahil sa mga nagyari.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon