RUTHLESS 19 - Final decision

1.8K 35 0
                                    

ZEAN POV:

"KILL ME INSTEAD"my decision si final. Ayaw kung mamili sa dalawa because I will surely end up hurting.
Pero kapag ako ang namatay ay hinding hindi na ko makakaramdam pa ng sakit at takot.

Awang awa na ko.....hindi lang sa sarili ko kundi para rin kay Death. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Nagkakaganyan siya dahil sa pagmamahal niya sa akin na kaylan man ay hindi ko masusuklian. Hindi naman ganyan si Death noon pero ngayon ay hindi ko na siya kilala. WE DON'T DESERVE ANY OF THIS. Nagmahal lang kami pero bakit nauwi sa ganito.

"Wala yon sa pinagpipilian mo Farrah" hindi makapaniwalang usal ni Death.

"Pero wala rin sa dalawa ang gusto kung piliin Death. PLEASE AKO NA LANG." Pagmamakaawa ko habang basang basa na ang mukha ko dahil sa walang patid na pagluha.

"This may sound crazy but Farrah...PLEASE AKO NA LANG RIN ANG PILIIN MO. Why do it's very hard for you to LOVE me back Farrah??Why do its very hard for you to choice me over Grave.???" Madamdamin niyang saad sabay tingin sa aking mga mata. Alam kung gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya dahil ayaw niyang makita namin siyang mahina. Pero bakit feeling ko ang sama sama ko. Ang sama ko para baliwalain lang ang nararamdaman niya.

"DEATH HINDI LOVE ANG NARARAMDAMAN MO KUNDI OBSESSION" sabat naman ni Grave kaya nabaling kay Grave ang atensyon ni Death.

"AT ANO GRAVE....IKAW LANG ANG MARUNONG MAGMAHAL SA ATING DALAWA. GANON BA IYON???" Sumbat naman ni Death. Mukhang mag aaway na naman sila at baka mauwi pa ito sa patayan.

Anong gagawin ko????

"PAANO KUNG SABIHIN KUNG OO. DAHIL ANG DEMONYONG TULAD MO AY HINDI KAILANMAN MARUNONG MAGMAHAL" balik na sagot na man ni Grave. Gusto kung patahimikin si Grave dahil nagbabaga na sa galit si Death. Pero natulos ako when Death pull the trigger of the gun  his holding. At alam kung hindi magdadalawang isip si Death para ipaputok ito kay Grave. I have to do something.

"Stop the both of you......pleaseee" sambit ko nalang pero walang nakikinig man lang sa hinaing ko. At mas tinago pa ko ni Grave sa likod niya  para masiguro na hindi ako matatamaan ng bala kung magkataon man. Nooo hindi ako papayag na may masaktan sa kanila dahil sa akin. Pero mukhang huli nako......
.
.
.
.
.
*BANG*

Tinamaan ni Death si Grave sa kaliwang balikat nito. Mabuti nalang at nasa likod ako ni Grave at hindi siya bumagsak sa lupa. Akala ko talaga  katapusan na ni Grave pero siguro may awa pa si Death sa kapatid niya.

Pero mali  yata ako ng pinaniniwalaan  dahil kinasa na naman ni Death ang baril niya. Hindi ako pwedeng tumunganga na lang dito hanggang  sa tadtarin ng bala ni Death si Grave. Kaya bago pa man mapaputok ni Death ang baril kay Grave ay tumakbo nako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"DEATH TAMA NA PLEASE...." umiiyak kung saad. At ramdam ko ang panginginig niya dahil na siguro sa galit. Kaya tinignan ko siya sa mata and I saw his eyes raging in so much anger.

"SASAMA NAKO......PINIPILI NA KITA......TARA NA PLEASE...." pilit ko pa sa kanya dahil hindi pa rin niya binababa ang kanyang baril. Pinihit ko rin sa direksyon ko ang mukha niya at pinagtugma ang mga mata namin ng mawala ang atensyon niya kay Grave. At ng mapunta sa akin ang buong atensyon niya ay nabanaag ko ang sakit sa mga namumungay niyang mata pero saglit lang iyon dahil napalitan ito ng galit at poot.

At hindi na ko nabigla ng kaladkarin niya ako papasok ng kotse pero bago iyon may sinabi pa si Grave......

"PLEASE DEATH HUWAG MONG SASAKTAN SI ZEAN.......MAAWA KA"hirap na hirap na sigaw pa ni Grave. Naaawa ako sa sitwasyon ni Grave. Kung pinili ko lang sana agad si Death di sana magyayari iyon. Ako dapat ang sisihin sa lahat ng ito.

"I.CAN'T.PROMISE.GRAVE.
SHE.DESERVE.TO.BE.PUNISH"may diing sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko. Napalunok ako sa naging turan niya. Siguro nga deserve ko nga ito......

Pero bago ako pumasok sa lood ng kotse ay tumingin muna ako ulit kay Grave. Natatakot ako na ba ka huling pagkakataon ko na ito para makasama siya. Natitiyak ko na paghihiwalayin kami ni Death at natatakot rin ako para sa kaligtasan niya. Nagawa nga siyang barilin nito at kung hindi ko pa napigilan ay baka  na patay na niya. Mukhang hawak na kami sa leeg ni Death....at mukhang siya ang magiging KAMATAYAN namin.
-----

Halos mabingi ako sa katahimikan sa loob ng kotse. Walang nagtangkang magsalita o tumikhim man lang. Mas mabuti na yon dahil kailangan ko ng katahimikan upang maproseso lahat ng nagyari kanina. Akala ko makakatakas na ako pero heto ako ngayon katabi ulit si Death na nagpanggap bilang Grave. Sohh ano na ang saysay ng pagpapaggap niya ngayon kung alam ko na ang sikreto niya. Pero wala akong lakas na tanongin siya dahil baka ito na naman ang pagmulan ng away namin.

"Sumama ka sa akin dahil natatakot ka na patayin ko si Grave." Hindi iyon tanong kundi pahayag. Hindi ko siya masisisi kung iyon ang iniisip niya pero hindi lang yon ang dahilan ko.

"Hindi iyon ang dahi-------"but he cut me .

"Don't fool me again Farrah" may galit na saad pa niya. Alam ko ang ibig niyang iparating sa salitang again dahil nagawa ko na siyang lokohin noon pero hindi ko na iyon magagawa ngayon dahil alam ko na kung ano ang nagiging epekto nito sa kanya. Nagiging demonyo at makasarili siya.

"Pwede ba makinig ka muna.....
Sumama ako sayo dahil natatakot ako na magkasala ka. Ayaw kung magkasala ka dahil lang sa akin." Puno ng katotohanan na usal ko. Maniwala man siya o hindi ay may pakialam ako sa kanya. Naging parte siya ng buhay ko noon at mukhang magiging parte rin siya ng bangungut ko ngayon.

"No your not.....ayaw mo na magkasala ako. Ayaw mo na mapatay ko si Grave right???huwag mong ipakita sa akin na may pakialam ka because I don't need your care or concern.......all I need is your LOVE!!!!" Napatigil ako sa naging pag amin niya. Wala akong masabi dahil alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko iyon mabibigay sa kanya. Oo noong hindi ko pa alam na nagpapanggap siya bilang Grave ay nasabi ko sa sarili ko na mahal ko siya pero ng malaman ko ang lahat ay na pagtanto ko na hindi para sa kanya ang pagmamahal na iyon kundi para lang talaga kay Grave. At isang malaking kasinungalingan kung sasabihin ko sa kanya na mahal ko
siya.

At ng hindi ako makasagot ay mukhang nakuha na niya ang pinaparating ko. Nakuyom niya rin ang kanyang kamay. Alam kung nagtitimpi lang siya at sa oras na makarating kami sa bahay ay baka saktan niya ako na higit pa sa inaakala ko. Pwes tatanggapin ko iyon kung iyon lang rin ang paraan para maibsan ang nararamdaman niyang sakit.

Pero sana malaman niya na sumama talaga ako sa kanya upang tulongan siya dahil alam ko na kailangan niya ng tulong mula sa akin. Kung ako ang dahilan ng pagiging demonyo niya ay dapat ako rin ang magpabalik sa kanya sa dating anyo , ang dating DEATH.

Sana hayaan niya akong tulongan siya.....

😣😣nakakaawa sila......ganyan pala kung magmahal.....natakot na tuloy akong magmahal.😣😣

😘😘jeanobsession😗😗

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon