RUTHLESS 14 - hurt

1.9K 32 2
                                    

ZEAN  POV:

Busy na kami pareho sa pagkain......pero na patigil ako ng maalala na may follow up question pala ako sa kanya at mukhang mamaya pa niya sasabihan ang about sa wedding namin kaya mauuna muna akong magtanong, pero syempre inubos ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago magsalita.

"Ahem..Grave may tanong pala ako."panimula ko para makuha ang atensyon niya. Tumango naman siya so it means yes.

"Ahmm.....alam ba ng magulang mo na  nakidnapped ka ? At alam rin ba nila na nasa ano..ahm nasa iisang bahay na tayo?" Magalang na tanong ko sa kanya, mahirap na baka magalit pa. Napatigil naman siya sa pag nguya at bumaling sa akin ang atensyon niya. Sa totoo lang ay kahapon ko pa gustong itanong sa kanya yon pero mukhang pagod siya kahapon kaya ngayon ko na lang tinanong.

"Hindi nila alam na nakidnapped ako dahil ayaw ko silang mag alala. At oo alam nila na nasa iisang bahay na tayo, besides malapit na naman tayong ikasal kaya ok lang sa kanila." Balewalang sagot niya. Nakumbinse nga niya ang mga magulang niya ano pa kaya ang mga magulang ko. Kaya hindi nako nagtaka na nakumbinse niya sila mama at papa. Pero kasi, hindi masyadong boto sila mama kay Grave kaya nagtaka ako noong una. But ok na rin naman ako sa naging sagot niya kaya next question nako.

"Ahmm..ehhh bakit pala ang raming bantay sa paligid?" Tanong ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya. Teka ano bang mali sa tanong ko.

"Curious lang ako"dagdag ko pa.

"Simple.....it's for our safety. Lalo na't nakidnapped ako, baka balikan akong ng mga gagong yon." Simpleng sagot niya. Oo nga nohh..ba't hindi ko yon naisip. Akala ko kasi ako ang pinababantayan niya.

"Ahmm your right,
one more thing...Bakit pala  ayaw  mo  na kausapin  ako  ng  mga  maid dito? " huling tanong ko sa kanya. At kanina pa ko kating kati na itanong yan kaya sana huwag naman maging mababaw ang sagot niya. At mukha namang nairita siya sa naging tanong ko.

"I.DON'T.WANT.ANYBOBY.TO.TALK.TO.YOU. ESPECIALLY.BOYS. EXCEPT. ME. UNDERSTAND."may diing sagot niya. Yon na yon..bakit ang lame at ang babaw namn ng rason niya. Kailan pa siya naging ganyan ka obsess na ultimo mga babae ay ayaw niyang ipakausap sa akin. He's unbelievable. At hindi ako papayag dahil hindi sapat ang rason niya.

"But----"tutol ko pa pero he cut my words.

"Please Zean sumunod ka nalang." Inis na inis na usal niya. At kahit gusto ko talagang tumutol ay sumabat siya bigla.

"Are you done interrogating me?" Walang kaemo-emosyon na tanong niya. At magsasalita na sana ako ng unahan na naman niya ako. What's wrong with him.

"Ok my turn....I want you to know that our wedding will be 2 days from now." Usal pa niya. At dahil sa sinabi niya ay nabulonan ako kahit wala naman akong kinakain. Na bigla talaga ako sa sinabi niya na kahit laway ay nabulonan ako. Ito na talaga ang hindi ako makakapayag. Parang minamadali niya lahat at hindi man lang niya ito sinabi ng mas maaga para naman makapaghanda ako. Anong saysay ko bilang bride niya kung hindi siya hihingi ng permiso sa akin.

"Ba---bakit biglaan naman? " nauutal na sabi ko dahil bigla biglaan naman kasi.

"Bakit pa natin patatagalin kung don naman yon papunta." Tipid na sabi niya. Alam ko naman yon pero kaka engage lang namin. What the f???

"Alam ko pero----pero" tutol ko pero hindi ko mahagilap ang saktong salita o rason. Ayaw gumana ng utak ko.

"Pero ano???tsk... My decision is final , at tsaka lahat ng kakailanganin ay all set na. Kasal nalang ang kulang." Desidedo niyang saad. Final?? Paano naging final yon ehh hindi pa nga ako nakapagdesisyon. At teka nga, all set? Ehh sa pagkakaalala ko ay wala siya noong nakaraang araw.

"Pero paano naging ready lahat ehhh di ba nga nakidnapped ka noong nakaraang araw?" Pag uusisa ko sa kanya na iginatigil niya. Sabi ko na nga ba may tinatago siya.

"Ahmm...sila mommy ang nag organize lahat.. sinabi lang nila sa akin noong umuwi nako galing Cebu." Alam ko na hindi siya sigurado don pero hindi lang niya pinapahalata. Kaya naman sa sobrang galit at inis ko ay tumayo na ako. Walang patutunguhan ang pag uusap naming ito. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay nahablot na niya ang pulsohan ko. At pagharap ko sa kanya ay nabanaag  ko agad ang galit sa kanyang mukha.

"BAKIT BA PARANG AYAW MO....
DON'T TELL ME MAY IBANG RASON KA.....THEN GIVE ME A GOOD FUCKING REASON KUNG BAKIT TUTOL KA???" Sigaw niya sa akin sabay hampas sa mesa at padabog na tumayo. Hindi ako halos makahinga at makagalaw dahil sa ginawa niya. At ng makita niya ang naging reaksiyon ko ay mas hinigpitan pa niya ang kanyang pagkakahawak sa aking pulsohan. Hinihintay niya rin ang sagot ko pero hindi ko mahagilap ang dila ko at parang walang boses ang lalabas sa mga bibig ko.

"........." at ng hindi talaga ako makapag salita ay humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabila kung balikat sabay pisil.

"Wala kang masabi?
Good.....then matutuloy ang kasal whether you like it or not." Mahina niyang pahayag pero may diin. Kasabay non ang pag iwan niya sa akin na siya ring pagbagsak ko sa sahig dahil hindi ko namalayan na kanina pa pala nangangatog at nanginginig  ang mga tuhod ko.

Hindi ko rin namalayan  na nakuyom ko na ang mga kamay ko. Hindi ako pinanganak na mahina kaya  hindi hindi ako papayag nasaktan at takutin niyang muli.

Sapat na siguro ang nagyari kanina para mapatunayan ko na wala na ang dating GRAVE.

😄😄Laban lang Zean😄😄

😘😘jeanobsession😗😗

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon