FARRAH POV:
When someone's hurt you, it's harder to relax around them, harder to think of them as safe to love. But it doesn't stop you from wanting them. At natatakot ako sa nararamdaman ko ngayon. Parang may kuryenteng bumabalot sa bawat hawak niya sa akin na parang minsan na akong nasaktan nito pero sa kabila ng lahat ay hindi ko mapigilang gustohin siyang makasama at hanap hanapin ang bawat hawak niya.
Dapat sana ngayon ay nagsusumigaw at nagpupumiglas na ko sa hawak ng taong ito pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. I feel relieved and secured. Pano kung mali ang iniisip ko at isa pala itong mamamatay tao? Dapat akong makasiguro pero paano? eh tinatakpan niya ang natatanging paraan para makita siya.
Para niyang hinigop ang natitirang lakas ko para magpaubaya sa kanya. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa lugar na malayo na siguro mula sa kaguluhan. Pabor na man sa akin iyon at mukhang magkakautang na loob pa ko sa taong ito dahil niligtas niya ako mula sa nakakalunod na emosyon ko kanina. Muntik na ko don.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad at ngayon ay ramdam ko na ang katawan ko na nakasandal sa matigas niyang dibdib. Sobrang lapit ng mga katawan namin na parang sanay na ito sa init ng bawat isa. Unti unti na rin niyang tinatanggal ang kanyang kamay na nakatakip sa aking mga mata.
Nagtuluyan na itong maalis sa aking mga mata ay dahan dahan ko rin itong dinilat. Hindi naman ako nasilaw sa liwanag dahil bandang hapon na ngayon pero parang umiikot lang ang aking paningin dahil siguro sa takot at kaba ko kanina. Nag maging stable na ang paningin ko ay nilibot ko agad ang tingin sa paligid.
Pero wala ng katao tao. Tanging ako nalang ang nakatayo sa gitna ng mapuno na bahagi na nasa gilid lang rin ng kalsada. Teka nasan na yong pamilyar na lalaki? Imagination lang ba yong nangyari kanina? Pero sa pagkakaalala ko ay nasa isang death scene ako kanina kasama si-------
HALA SI GRAVEN??
"GRAVEN!!! NASAN KA??" Halos maglabasan na ang litid ko sa leeg kakasigaw pero kahit anino ni Graven ay wala.
Bakit ba ang malas ko sa araw na to at dalawang bata pa ang palaging nawawala sa paningin ko. Kahit hindi ko anak si Graven ay responsibilidad ko parin siya. Si Grave nga kanina ay niligtas niya ang anak ko mula sa pagkakawala kaya dapat mahanap ko rin si Graven. Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ni Grave.
"GRAVEN MAGPAKITA KA KAY MAMA EGG PLEASE!!" Pagsusumamo ko habang tumatakbo pabalik sa huling lugar na pinuntahan namin. Wala na ang patay na tao pero bakas pa rin ang dugo sa sahig. Kahit may truma rin ako sa dugo ay pinagwalang bahala ko na lang ang nakita at mas tinuon ang atensyon sa paghahanap kay Graven.
Napatigil naman ako sa pagtakbo ng may mapagtanto. Di kaya kidnapper ang lalaking nagtakip ng kamay sa mata ko at ang totoo talaga niyang intensyon ay ang nakawin si Graven? Dios ko sana mali ako!!
Napaupo ako sa sahig dahil sa masasamang ideyang pumapasok sa isip ko. Gusto ko sanang tawagan si Grave o di kaya'y si Camela pero hindi ko dala ang cellphone ko dahil naiwan ko ito sa loob ng kotse. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kung tama ang hinala ko. Tiyak na hindi ito matatanggap ni Grave at mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Napayakap na lang ako sa mga tuhod ko at doon binuhos lahat ng luha. Ang tanga tanga ko para hayaan ang isang inosenteng bata na mawala. Mawawalan na naman ako ng isang importanteng tao dahil sa kagagawan ko.
"Tahan na po mama egg!!"
Napatigil ako sa pag iyak ng maramdaman ang dalawang maliliit na kamay na pilit inaangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko at ng tuluyan niya itong maangat ay pinahid niya ang mga luha ko gamit ang maliliit rin niyang mga daliri.
![](https://img.wattpad.com/cover/220084878-288-k752095.jpg)
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
RandomMy breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Parang hawak niya ako sa leeg at nakasalalay ang buhay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mukhang...