CAMELA POV:
Mga matang nakatulala sa kawalan pero maaaninag mo roon ang kalungkutan habang nakaupo sa isang wheelchair. Pero masasabi kung isa siya sa pinakamalakas na babaeng nakilala ko. Unti-unti na siyang kinakain ng emosyon niya ngunit pinipilit parin niyang mabuhay para sa anak niya.
She is strong and courageous woman that allows her to act not because she is not fearful, but rather act despite of her fears. Alam ko na nag attempt suicide siya pero siguro nadala lang siya ng sobrang emosyon, hindi ko siya pwedeng husgahan.
Tulad niya ay minsan na rin akong napunta sa bingit ng kamatayan pero pinilit kung mabuhay para sa mga mahal ko sa buhay. Siguro ang kailangan lang ni emo ngayon ay ang suporta at pag-asa. At nandito kami para ibigay iyon.
Si Camelle ang taong palagi niyang kasama dahil sa kailangan rin naming magtrabaho ni Cross. Buti nalang at pumayag ang kapatid ko na samahan siya para narin mabantayan at magamot ang kalagayan niya. Nag leave muna sa trabaho si Camelle para matutukan ang kondisyon ni emo pero tulad rin ng sabi niya ay hindi ang treatment at counseling ang makapagbibigay ng full recovery niya. Kapag emotional issues na daw ang pag uusapan ay kailangan rin tulungan ng pasyente ang sariling gumaling. Sa madaling salita ay si emo lang ang makapapagaling sa sarili niya. Kailangan niyang makawala sa emosyong nakatali sa kanya.
Nine months na ng pagbubuntis niya at ngayong buwan na ito siya inaasahang manganganak. Noong araw na nakita siya ni Cross ay one month pregnant na pala siya at ngayon ang ika-siyam na kabuwanan niya.
Grabe ang bilis lang ng panahon. Parang kumakailan lang ay kararating lang niya pero ngayon ay manganganak na siya. At ang hirap pala kapag buntis ka pero hindi ka nakapagsalita. Pati kami ay nahihirapan rin dahil hindi namin alam kung ano ang gusto niyang kainin bilang paglilihi niya, hindi rin namin alam kung may masakit ba sa kanya. Ngayong buwan na to nga ay todo bantay kami dahil baka bigla siyang manganak tapos hindi namin malaman. Dapat palagi kaming alerto tulad ng ginagawa ko tuwing nasa gitna ng gira.Pero ang advantage naman, ay wala siyang pinapakitang mood swing hindi tulad ng ibang buntis.
"Alam mo ba emo, nakakainggit ka. Kasi ako matagal ko ng gustong makaanak pero kahit anong gawin namin ni Cross ay wala parin. "
"Doctor si Cross pero wala siyang mahanap na paraan para mabuntis ako. Ayaw ko namang ipilit ang sarili ko sa bagay na hindi pa kayang ibigay ng Dios"
Ramdam ko na ang bawat patak ng luha ko pero hinayaan ko lang. Kahit sundalo ako ay may kahinaan rin ako.
Nakaupo ako sa harapan ni emo habang hawak hawak ko ang kamay niya. Ako ang naatasang magbantay kay emo ngayon. Nasa clinic kasi si Cross at may binili sa labas si Camelle. Buti na lang at day off ko ngayon kaya mababantayan ko ng maigi si emo.
Siguro isa narin sa dahilan kung bakit napalapit bigla ang loob ko kay emo ay dahil sa may dinadala siyang bata. Hindi sa gusto kung agawin mula sa kanya ang bata kundi gusto kung maramdaman niya kung gaano siya ka swerte. Ayaw kung maramdaman niya na wala ng kwenta ang buhay niya dahil may rason pa siya para mabuhay. Gusto kung magbigay pag-asa sa iba kahit na sa sarili ko ay wala na akong pag-asang magkaanak pa.
"Kaya alagaan mo ang baby mo. Blessing siya na bigay ng Dios at hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makaanak kaya dapat mo siyang alagaan at mahalin. Laban lang emo!! Nandito lang kami para sayo."puno ng damdaming saad ko. Hindi ko alam kung naririnig at nakikita ba talaga ako ni emo dahil sa blangko lang ang makikitang emosyon sa mga mata niyang nakatutok sa akin. Sana nga naririnig niya ako para malaman niyang may naghihintay at umaasa sa kanya. Para bumalik na siya sa dati.
Nabigla ako ng pisilin niya ang kamay kung nakahawak sa kanya. Iyon ang unang galaw o reaksyon na nakita namin mula sa kanya at ayon kay Camelle ay magandang sign raw iyon ng paggaling. Pero mas nabigla pa ako ng ngumiwi ang mukha niyang parang nasasaktan. Pahigpit ng pahigpit rin ang kapit niya sa kamay ko habang ang kabila niyang kamay ay nakahawak na sa maumbok niyang tiyan, at isa lang ang nalalaman kung dahilan nito..........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
MANGANGANAK NA SIYA!!!!
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
RandomMy breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Parang hawak niya ako sa leeg at nakasalalay ang buhay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mukhang...