RUTHLESS 44 - New home, New hope!!

1.4K 36 15
                                    

Let's welcome our new characters!! Sorry kung sa malapit lapit na wakas o ending part ninyo na sila nakilala, supporting characters lang naman po sila😅😅

CAMELA POV:

Itinutok ko ang aking kabilang  mata sa lente ng rifle habang ang kabila naman ay nakapikit. I aim my rifle straight at the targets. Hindi bago sa akin ang humawak ng iba't ibang baril lalo na ang rifle. Rifle is one of my favorite weapons when it comes to shooting.

At ng masigurong nakatutok ito sa tamang target ay kinalabit ko na ang gatilyo. Sunod sunod na putok ang pinakawalan ko. I consumed all my bullets until the last drop. At ng maubos ang bala sa magasin ay inalis ko na ang mata ko sa lente ng rifle at tinignan ang target.

"That was amazing Camela!! Keep up the good work!!" Papuri sa akin ni chef. Napangiti rin ako ng makitang natamaan ko nga lahat ng targets at  wala ni isang bala ang nasayang. Mukhang ready na nga ako para sa susunod na mission. A soldier like me should be always ready for a war.

Binaba ko na ang suot ko na safety glasses, makapal na headphones at iba pang protective gears. Nag announce na rin si chef ng dismissal kaya ni ready ko na ang mga gamit na dadalhin ko pauwi.

Grabe nakakapagod ang araw na to. Puro lang kami training dahil wala pang binibigay na order si chef, kating kati pa naman akong sumabak sa gira. Sayang, plano ko rin sanang bugbugin ang asawa ko kaso mukhang hanggang sipa at tadyak lang ako nito dahil sa  pagod.

Habang abala sa pag-aayos ng gamit ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Puta!! Sino na naman ang nagpalit ng ring tone sa cellphone ko?? Bakit naging barbie song na to?? Halos pagtinginan na ko ng mga kasama kung sundalo, tangina sundalo ako tapos pambata ang ring tone. Isa lang naman ang nakikilala kong taong gagawa nito, at walang iba kundi ang puta kung asawa na si CROSS. Humanda siya sa akin dahil uubusin ko lahat ng bala ko sa kanya. Tutal sanay naman siyang maggamot ng sugat.

At tignan mo nga naman, ang asungot lang pala ang tumatawag. Pero bago ko ito sagutin ay lalayo muna ako sa mga kasama kung sundalo, para pa namang machine gun tong bibig ko.

"CROSSTANGINA!! NGAYON PA LANG AY GUMAWA KA NA NG KABAONG MO DAHIL PAKAKAININ KITA NG BALA PAG-UWI KO" halos malitid na ang ugat ko sa leeg kakasigaw at hindi lang ito ang aabutin niya pag uwi ko.

"Ahm oo na gagawa na!! Pero pwede bang kumalma ka muna may sasabihin ako sayong importante." Bakas sa boses niya ang takot. Ewan ko ba!! Sabi ng mga katrabaho niya ay nakakatakot at walang kaemo-emosyon daw si Cross pero pagdating sa akin ay parang maamong tupa. Iba talaga kapag under sa misis.

"PAG YANG SASABIHIN MO WALANG KWENTA, MAG SIGN OF THE CROSS KA NA DAHIL MAKIKITA MO NA SI KAMATAYAN." Banta ko pa.

"Oo nahh!! Nakita ko na nga siya kanina" pilosopo niyang tugon.

"ABA---"

"I found a pregnant woman in the bridge. Muntik na siyang tumalon, buti na lang at nakita ko. Her condition si really serious kaya umuwi ka na agad dito para pag- usapan natin ang tungkol sa kaniya."

"Totoo ba yan?? Baka naman babae mo yan tapos nakabuntis---"

"Alam mo na hindi ko iyon magagawa  sayo. I'm dead serious about this matter wifey and I really need your help."

Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Alam ko na seryoso siya dahil sa uri ng pananalita niya. Kahit minsan ay nagsisigawan at nagsasakitan kami ay mahal namin pareho ang isa't isa. Ganito siguro ang way namin sa paglalambing. Paglalambing na may halong sakitan.

"Ok I'm on my way!!" Saad ko bago binaba ang tawag. Tumakbo na rin ako palabas ng shooting rage dala dala ang mga gamit ko. Kapag tungkol nasa pagtulong sa iba ay nagkakasundo kami ng asawa ko. Sundalo ako at doctor siya kaya nasa puso't isipan namin ang  tumulong sa iba. We oath to help other people and that's what we are.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon