ZEAN POV
"Farrah help.....Farrah help.
I can't breath....I c-can't b--breath" hingi ng tulong sa akin ng babae habang unti unting lumulubog sa tubig........
Hindi ko siya kilala pero may parte sa akin na nagsasabing importante siya sa akin. Kaya nilapitan ko siya pero bago ko mahawakan ang kanyang kamay ay bigla nalang siyang naglaho at biglang may umilaw na sobrang nakakasilaw.At pagbukas ko ng aking mga mata ay na punta nalang ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin. May apat na bata ang nakaupo sa damuhan habang nagtatawanan. Dalawang lalaki at dalawang babae. Pero biglang umalis ang isang lalaki kasama ang isa pang babae kaya naiwan ang isang lalaki at babae. Mukhang iiyak yata ang batang babae kaya nilapitan siya ng lalaki at niyakap ng mahigpit.
"Bakit hindi niya ako kayang mahalin...bakit hindi na lang ako..hohohohoho"sabi ng batang babae habang umiiyak.
"BAKIT KASI SIYA PA ANG MAHAL MO.... ako na lang Farrah.... dahil ako kaya kitang mahalin na hindi niya kayang gawin." Sumbat sa kanya ng batang lalaki
"HINDI IKAW ANG MAHAL KO" galit naman na sigaw ng babae. Bakit naman kasi pinipilit ng lalaki ang babae ehh hindi naman pala siya mahal nito. Pero teka lang.... tama ba ang pagkakarinig ko...Farrah ang pangalan ng batang babae. Hindi kaya ako yon...
"SA.AYAW.AT.SA.GUSTO.MO.....
AKIN.KALANG.AKINNNN"sabay hablot sa braso ng batang babae. At base sa nakikita ko ay labis na nasasaktan ang batang babae. Kaya nilapitan ko sila.......... pero nagulat ako ng may pumulupot na kamay sa bewang ko ng napakahigpit. Sabay bulong..
"You can't ESCAPE from me my Sweet Farrah.... I will chase you till death...bwahhhahaha"Natulos ako sa aking kinatatayuan at dumagundong sa kaba ang puso ko. Pero kahit ganon ay dahan dahan kung nilingon ang misteryosong lalaking ito pero bago ko pa makita ang kanyang mukha ay.....ay
Bigla nalang niya akong sinakal ng mahigpit sa leeg.....
Tulong hindi ako makahinga......ahhhhhhhhh
"Ahhhhhhhhhhh"abot hininga kung sigaw habang naliligo ako sa aking sariling pawis.
"FUCK.SHIT. Zean are you ok??"alalang tanong niya habang mura siya ng mura. Dapat talaga magmura, daig pa niya ako na binangungut. At mukhang napapadalas na ang mga masasama kung panaginip na hindi ko alam kung ano ang konektado nito sa akin ngayon.
"Ahmmmm...ok nako
Tulog na lang ulit tayo." Tugon ko sa kanya sa nahihiyang kung tono. Syempre nagising ko siya sa mahimbing niyang tulog at alam ko na pagod din siya sa biyahe. At kung nagtataka kayo kung bakit kami magkatabi........ (P/S hoyyyy huwag kayong green minded.) Ay pinilit lang naman ako ni Grave. Syempre ayaw ko sanang pumayag kahit pa fiance ko siya ay hindi parin pwede kaso gusto niya daw akong makatabi dahil miss niya na daw ako at tulad ng sabi ko kanina ay babawi ako sa kanya. At tsaka wala naman kaming ginawang milagro o masama.Pero sa totoo lang ay hindi talaga ako komportable at para akong naaasiwa sa lagay ko ngayon. Hindi ako sanay na katabi siya at may takot at kaba parin akong nararamdaman. Ewan ko bahh.
Buti nalang at natulog na siya ulit at hindi ko mapigilan na titigan siya. Para siyang anghel kung matulog at sarap titigan ang kanyang mukha. May mahabang pilik mata, matangos na ilong, makinis na balat, at mapupulang labi na kay sarap halikan.
Pero iwan ko ba.... simula ng umuwi siya galing Cebu ay natakot nako sa presensya niya. At inaamin ko rin na parang may kulang sa paliwanag niya kanina. Na parang may hinahanap pa ko na sabihin niya. Alam ko na hindi madali ang pinagdaanan niya pero hindi naman siguro yon sapat na dahilan para magbago ang ugali niya.
Para siyang naging mas obsess sakin ngayon na lubos kung ikinakatakot.Pero isa lang ang nasisiguro ko.....
.
.
.
.
.
.
.
.MAY TINATAGO SIYA.....
---------
Pabaling baling lang ako dito sa aming kama dahil hindi na talaga ako makatulog. Gising na gising ang diwa ko at tiyak ako na hindi na ako makakatulog pah. Kaya na pagdesisyunan ko na bumangon na dahil baka magising ko pa si Grave.
Dahan dahan akong bumaba at iniisip kung anong magandang gawin sa oras na ito. Siguro nasa 5:00 am na ngayon dahil maliwanag narin sa labas. Plano ko sanang bumawi kay Grave kaso hindi ko alam kung paano. Ahmmmm????
At habang pababa nako ay may narinig akong ingay sa kusina. Oo alam ko na ang pasikot sikot dito dahil si Grave mismo ang nagpasyal sa akin pagkatapos ng aming naging pag uusap kahapon.
Kaya naman ay dumiretso na ko sa kusina at hindi nga ako ng kamali dahil nagdoon ang apat na katulong ni Grave. Abala sila sa pagluluto ng agahan. Ang aga naman yata nila nagising, kaya lumapit nako para tumulong. Sa totoo lang ay hindi talaga ako marunong magluto pero siguro naman ay tutulungan nila ako. At tsaka pwede na siguro ito para makabawi ako kay Grave dahil sa aking pagiging pabaya at inasal noong pagbalik niya.
"Good morning sa inyo.
Pwede bang tumulong?" Tanong ko sa isa sa kanila. Hindi ko pa kasi alam ang mga pangalan nila. Siguro ay itatanong ko na lang mamaya.Pero nabigla ako ng hindi man lang nila ako sinagot. Tinignan lang nila ako na parang nahihiya. Kahit man lang 'good morning too' ay wala akong narinig.
"Mga pipi ba sila or ayaw lang talaga niya akong kausapin." Bulong ko sa sarili.
"They are not allowed to have a conversation to you." May autoridad na sabi ng matandang babae. Siya ang panglima sa mga maid dito sa bahay pero sa tingin ko ay siya ang nakakataas o leader nilang lahat. Mukha ring matagal tagal na rin siyang nagtatrabaho dito. Sohhh silang lahat ay bawal makipag usap sa akin maliban sa kanya. Pero bakit????
"But why? Is their something wrong kung makikipag usap sila sa akin?" Balik na tanong ko naman sa kanya. Hindi naman pwede yon....alangan namang kausapin ko ang sarili ko at tsaka nakakatakot kausapin ang matandang ito parang si Grave lang.
"That was an order from senior Grave." May paggalang na sagot naman niya. Pero ang pinagtataka ko ay bakit ayaw ni Grave na makipag usap ako sa kanila? I think I need to confront him.
"FUCK ZEAN....WHERE THE HELL ARE YOU??????" rinig kung sigaw at mura ni Grave. Siguro masasanay lang ako sa ugali niyang iyan pero teka gising na pala siya. Buti na lang tapos na silang magluto. Tutulong nalang ako sa paghahain ng pagkain.
At paglabas namin ng kusina ay nakita ko ang nag aalala niyang mukha. Akala siguro niya ay aalis ako. Pero teka lang.... diba sabi ko kahapon na aalis ako sa oras na matapos kami sa pag uusap. Siguro mamaya na lang dahil may follow up question pa ko sa kanya.
At nilapag na namin ang mga pagkain sa mahabang lamesa. Sabay lingon ko sa kanya pero wrong move siguro yon dahil ngayon ko lang naalala na naka boxer lang pala siya. Ano ba tohh...hindi man lang nagbihis.
"Ah--ahmmm....g-good morning G--Grave......b--breakfast is ready."nauutal na saad ko pa. Nako naman mapaghahalataan naman ako nito.
"ok let's eat...may importante rin akong sasabihin sa iyo about our wedding" walang kaemo-emosyon na tugon niya.
Ahmmm?? Ano kaya ang sasabihin niya about sa kasal namin? Sa totoo lang ay nawala sa isip ko yon at ngayon ko lang rin naalala. Pero parang masama ang kutob ko dito. Hayyy ang nega-nega ko talaga.
I hope magandang balita ang sasabihin niya.
😉😉😉malapit na po tayo sa mga revelation. At kung nagtataka kayo sa kinikilos ni Grave ay may explanation po ako ri yan sa mga susunod na chap😊😊😊
😘😘jeanobsession 😘😘
BINABASA MO ANG
THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
De TodoMy breathe stop when I saw a dangerous but gorgeous man stepped into my view. He's walking with grace and there's an authority aura around him. Parang hawak niya ako sa leeg at nakasalalay ang buhay ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang mukhang...