RUTHLESS 39 - Unfold Revelation ( PART 2 )

1.3K 36 2
                                    

ZEAN POV:

Being shocked is not enough to describe my feelings. I think my emotions have already takes control on me. Walang patid sa pag agos ang mga luha ko at sinabayan pa ng panginginig ng labi ko.

Ako may kapatid? Paano, kailan, at nasaan ang sinasabi niyang kapatid ko? 

Gusto ko sanang magtanong kay Death pero walang salita ang lumalabas sa nanginginig ko na labi. Pero bakas sa mukha niya na alam na niya ang tumatakbo sa utak ko, kung ano ang mga tanong at sagot na gusto kung malaman.

"Yes!! You really have a sister and her name is Zean Frizas. Hindi totoong Farrah Zean Frizas ang pangalan mo. Tanging Farrah Frizas lang ang pangalan mo at dinugtong lang nila ang Zean noong araw na.....

Namatay ang kapatid mo."

"Wala na siya Farrah!! She die because of a car accident happened 15 years ago. Magkasama tayong apat sa nasabing accident pero si Zean lang ang hindi pinalad. Simula noon ay pinalitan ng daddy mo ang pangalan mo. Ginawa niyang Farrah Zean Frizas."

"Wala kang maalala dahil sa nagka amnesia ka at dinagdagan pa ng pagkatruma mo dahil sa nangyari."

"Pero ngayon ay ipapaalala ko sayo ang totoong nagyari. Sasabihin ko sayo ang lahat ng secreto ng mga magulang mo at imumulat kita sa lahat ng kasinungalingang kinalakihan mo."

Sunod sunod niyang pahayag. Tanging ang tenga ko lang ang gumagana ngayon. Tenga ko lang ang kayang tanggapin lahat ng katotohanan habang ang puso at katawan ko ay parang namatay na. Namanhid ako sa sakit dahil sa nalaman at parang  huminto ang puso ko sa pagtibok.

Alam ko na marami pang katotohanan ang hindi pa nasisiwalat pero habang tumatagal ay para na rin akong pinapatay.

"Please Farrah endure the pain!! You have  to know the entire truth."

Paalala sa akin ni Death habang inaalalayan niya akong maupo sa kama. At doon nagsimula kaming magbalik tanaw sa nakaraan.

(FLASHBACK 15 YEARS AGO )

Third Person POV:

Apat na bata ang nakadungaw sa bintana habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan sa labas. Madilim na ang gabi pero hindi parin naiisipan ng mga batang ito na matulog dahil sa aliw na aliw sila sa bawat patak ng ulan na animo'y musika sa kanilang pandinig.

Parehong umalis ang mga magulang nila kaya naiwan silang apat sa bahay nila FARRAH at ZEAN. Magkababata silang apat kaya malapit sila sa isa't isa. Pero higit pa roon ang nararamdaman nila sa bawat isa. Sa murang edad ay natutunan nilang mahalin ang isa't isa, pero mapaglaro ang tadhana sa kanila dahil one sided love lang ang meron sila.

Mahal ni Grave si Zean habang mahal naman ni Zean si Death pero si Death naman ay ang mahal ay si Farrah pero sa masamang palad ay si Grave ang lalaking mahal ni Farrah. Umiikot lang ang damdamin nila sa isa't isa at kahit pilitin nila ay hindi talaga sila mahal ng mahal nila. Ganon kasaklap ang tadhana sa kanila.

At ng tumigil ang ulan ay napagdesisyonan na nilang matulog, pero makulit si Grave, pilit niyang niyayaya si Zean na mamasyal sa gabi. Sa kanilang apat ay si Grave ang mas nakakatanda kaya sa murang edad din ay marunong na siyang magmaneho ng kotse. Kaya pilit niyang niyaya si Zean na mamasyal habang wala pa ang kanilang mga magulang sa paligid.

Ayaw sana ni Zean na sumama pero pinilit din siya ni Farrah para na rin makasama si Farrah sa pamamasyal kasama ang taong mahal niya. Si Zean ang mas nakakatanda kay Farrah, kaya bilang ate ay pinayagan nalang ni Zean ang kagustuhan ng bunso dahil alam naman niya na ginagawa ito ng kanyang kapatid dahil sa kagustuhang makasama ang taong mahal nito na si Grave.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon