RUTHLESS 27 -jealousy to incident

1.8K 26 1
                                    

ZEAN POV:

"Is that you Farrah Zean Frizas??
You changed a lot !" Sabi ko sa aking sariling repleksyon sa salamin. Para na akong baliw, hindi pala......baliw na yata talaga ako. Sino bang matinong tao ang kakausapin ang sarili sa salamin, mukhang ako lang yata. Ito na siguro ang resulta ng isang linggong pamamalagi dito sa impyernong ito simula noong bumisita ang pamilya niya at noong humingi ako ng patawad na labis niyang ikinagalit. Yes 1 week had pass since I was imprisoned in this hell. I also called this as devil's lair. But one thing for sure, what I experience here is worst than hell.

Ngayon ay binigyan niya ako ng 15 minutos para magpahinga. Mabait na nga siya sa lagay na ito. Kung alam ninyo lang kung gaano kahirap at kasakit lahat ng dinadanas ko sa kamay niya. Pero kailangan kung tiisin para mabuhay. Mabuhay?? Sa totoo lang ay matagal ko ng gusto sanang mamatay pero hindi niya iyon hinahayaang mangyari. Pahihirapan, gagamutin tsaka muling pahihirapan na naman. Ganyan ang gusto niyang mangyari. Kung maaari lang maging manhid sa lahat ng sakit ay ginawa ko na sana. Nagsimula ito noong gabing ng SORRY ako sa kanya at mukhang pinaninindigan nga niya ang mga binitawan niyang salita.

Nakaharap ako sa malaking salamin kung saan nakikita ang  hubad kung katawan. Yes, I'm totally naked para makita ang nakakaawa kung katawan. I scanned my whole body and I can see wounds and bruises from head to feet. I lost a lots of pounds, para na akong bangkay sa katawan kung ito. I changed a lot, naging maputla ang aking mukha. From red lips turned to pale and from red cheeks turned to white. At ang pinaka nagbago sa akin ay ang aking mga mata. Kung noon ay may kulay at sigla pa itong aking mga mata pwes ngayon ay blangko at walang ka emo-emosyon na wari ay mga patay . Patay sa pag-asa at pagmamahal. Tunay na pagmamahal dahil para sa akin hindi matatawag na pagmamahal ang pinapakita ni Death sa akin. Alam kung gusto niyang maghigante pero ang sabihin niyang mahal niya ako ay hindi ko alam kung makatotohanan ba iyon.

Patunay na dito ang mga pasa at sugat ko. Palaging mainit ang ulo niya kaya ako ang palaging  napagbubuntongan. At kaya rin ako ganito ka payat dahil isa sa isang araw lang niya akong pakainin. Minsan kasi ay kinukulong niya ako sa kwarto  at isang beses lang  niya akong padalhan ng pagkain at hindi rin naman ako makapagreklamo dahil alam ko na parte ito sa paghihigante niya. Buti na nga lang at naisipan pa niya akong pakainin. At minsan rin ay ako na ang gumagawa ng lahat ng trabaho dito sa mansyon na walang ni isang tulong mula sa mga maid niya. Tinanggap ko lahat ng iyon pero noong isang beses na nasaktan niya ako na akala ko ay katapusan ko na dahil sa PUTANG pagseselos niya sa isa niyang tauhan ay labis ko iyong kinatakot at sobrang sakit ang natamo ko noon at mababakas iyon sa peklat na nasa noo ko.

(Flashback)

"Ilang buwan na ba tong mga barusang ito? Ba't ang dami dami. Ohh baka naman gusto lang talaga niyang pahirapan ako at tatlong sakong basura ang gusto niyang ipatapon sa akin. Pasalamat siya  at may utang pa ko sa kanya. " pagmamaktol ko sa sarili dahil sa tambak tambak na basurang itatapon ko palang mag-isa. Wala pa kung kain kaya wala akong lakas para dito. Hayy....tiis lang Zean, tiis lang-------ahhhhhhhhh.

Nako naman ohhh, bakit ba kasi ang lampa lampa ko, yan tuloy natapon ang isang sakong basura. Ang bigat bigat naman kasi, buti nalang at nasa labas na ko ng mansyon dahil baka malaking kalat ang lilinisin ko pagnagkataon. At habang isa isa kung pinupulot ang mga basura ay napansin ko na  ilan dito ay mga personal na gamit ko. Mga damit pero gutay gutay na at mga sirang gadget na hinala ko ay siya rin ang sumira at ang mas nakakuha ng pansin ko ay mga importanting larawan na puro punit at ang iba ay may bakas na parang sinunog. Ang mga larawan na ito ay larawan ng pamilya ko. Mga masasayang alaala namin bilang pamilya at ang iba ay larawan namin ni Grave.

THE RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon