Introduction

1.3K 32 6
                                    

UNLOVED

Introduction


"Boo!"

"Ay puta!"

Napalingon ako sa nanggulat sa akin habang nagmamadaling pumasok sa school namin dahil malapit na akong ma-late.

"Alam mo, ikaw, para kang gago!" bulyaw ko kay George nang makitang siya lang pala 'yon.

"Napakasungit mo naman, kahit anong gawin mo, late na tayo! Alam mong third floor pa tayo." he laughed. "Chill, Brianna. Wala ka nang magagawa."

Inirapan ko siya.

"Bahala ka d'yan."

Tumakbo na ako palayo sa kaniya at nagmadaling umakyat sa hagdan. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila kaya mas lalo pa kaming namadali sa pag-akyat. Nagkakandarapa na ako pero siya ay sige pa rin sa paghila!

"George, bitaw! Ang sakit!"

"Nagmamadali ka, 'di ba?" sabi niya.

"Bitaw!" sabi ko at sinubukang magpumiglas sa kaniya. "Aray naman!"

Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng classroom namin ngunit sarado na ang pintuan.

"See?" he said and shrugged. "Sabi ko sa 'yo, walang magagawa ang pagmamadali mo." He chuckled before knocking on the door.

Napasinghap na lang ako at sumunod sa kaniya nang pinapasok na siya ng teacher.

"George, Anna, community service after class, okay?" Ms. Gomez told us when we both entered the room.

"Yes, Ma'am." I answered as I sat on my seat.

"Anyare sa 'yo?" tanong ni Cheska nang natatawa. "Para kang nakipagkarera, ah? Ang agang haggard."

"Si George kasi!" sabi ko tsaka tiningnan ito nang masama.

Nakita koi tong nakatingin sa akin at nakangisi na para bang pinagtatawanan ang itsura ngayon.

Nakita ko naman na nanlalaki ang mata ni Cheska nang sabihin ko ang pangalan ni George at parang bumilog ang bibig.

"Omg! Anong ibig mong sabihin?! Ikaw, ha ang bata bata mo pa, lumalandi ka na!"

"Cheska, tigilan mo ako, ha? Ang pangit pangit naman no'ng George na 'yan, feeling niya naman."

"Wow, ang ganda mo, ha?" rinig kong sabi ni George mula sa upuan niya na hindi kalayuan sa akin.

"Uhm, Brianna Cortez, George Zamora, do you mind shutting your mouth and focus on our lessons?" Ms. Gomez called us.

Argh!

"Three days community service!"

Tumingin ako nang masama kay Cheska dahil siya ang pasimuno nito pero siya ang walang parusa! Napakadaya! Tinawanan niya lang ako dahil do'n.

_____

Nang matapos ang klase ay dumiretso kami sa closed gym dahil iyon ang kailangan naming linising dalawa ni George. Nakakainis naman! Alam kong hindi naman kasalanan ni George na na-late ako at dinaldal ako ni Cheska pero, nakakainis pa rin na siya ang kasama ko ngayon dito! Aasar-asarin lang ako niyan palagi.

Napasinghap na lang ako.

"Grabe naman makabuntonghininga 'to, ramdam na ramdam ko talagang gusto mo akong makasama dito," he chuckled as he wiped the floor with his mop.

"Manahimik ka na lang d'yan at maglinis nang matapos na tayo dito, Zamora." Iritang sabi ko habang mino-mop ang kabilang side.

"Bakit ka ba kasi na-late?" tanong niya.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon