13

333 15 8
                                    

13:



Kinabukasan, tulad ng inaasahan, hindi nga ako nagising nang maaga.

10:30 AM na anng magising ako kaya naman nagmadali na akong bumangon,mag-toothbrush, maghilamos, tsaka ginayak na ang mga gagamitin sa pagluluto para sa tanghalian namin ni George.

Tumingin ako sa orasan at nakitang almost 11:00 AM na. Nagmadali akong magsaing, tsaka nagluto ng sinigang na bangus.

Hindi pa man ako nakakatapos magluto ay narinig ko nang may nagbubukas ng pintuan sa apartment. Iniluwa nito si George.

Hoy, ba't ang aga mo?" bulyaw ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Wow. Ang sweet naman ng girlfriend ko mag-welcome."

Naglakad siya papalapit sa akin dito sa kusina at hinalikan ako sa ulo. Ilang sandali pa ay binigay niya sa akin ang mga paper bag na dala niya.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Suhol."

I laughed as I opened every paper bag that he gave me. May mga t-shirt na may design na Baguio, hoodie dahil lagi kong ninanakaw ang hoodie niya, strawberry jam, strawberry, tapos ay nutella pang kasama! May lengua de gato rin at peanut brittle. May mga kung anu-ano pang accessory do'n na from Baguio kahit hindi naman kailangan.

Sa tuwing pumupunta talaga siyang Baguio ay lagi siyang nag-aabot sa akin ng pasalubong. Tumawa ako.

"Salamat. Malapit ko nang makumpleto 'yong designs ng t-shirt sa Baguio." I joked.

Tumawa siya bago ako niyakap nang mahigpit.

"Hindi na ako nagpaalam kay Lola kasi gusto kong umuwi kaagad sa 'yo," I heard him kiss my temple. "Hindi talaga ako sanay na iwanan kang mag-isa dito."

His hug tightened, so I hugged him back to give him assurance.

"Okay lang naman akong mag-isa dito, George. Huwag ka nang mag-alala sa akin. Dati ka namang pumupunta ng Baguio nang hindi ako kasama, ah?"

He sighed. "Pero kasama mo naman pamilya mo no'n. Ngayon lang kaya kita iniwanang mag-isa rito."

I chuckled. "Huwag ka nang mag-alala d'yan, okay lang talaga ako. Tinanghali lang ako ng gising, pero normal naman 'yon sa akin."

He chuckled before we let each other go from the hug. He kissed me quick before putting his right arm around my shoulders.

"Anong niluluto mo?" Binuksan niya ang maliit na kaserola. "Sinigang?"

Tumingin ako sa kaniya. "Prito 'yan," natatawang sabi ko.

Pinitik niya ang noo ko bago umali at pumasok sa kuwarto para magbihis.

Ilang sandali pa ay bumalik siya sa akin. Sakto namang kahahango ko lang ng ulam na pinakukuluan ko.

"Halika't kumain ka na nang makapagpahinga ka ulit," sabi ko.

Pumunta siya sa tabi ko.

"Kapag nagpahinga ako, dapat magpapahinga ka rin," sabi niya.

I laughed. "Kagigising ko nga lang, patutulugin mo na kaagad ako."

"Pagod ka kaya!"

"Paano ako mapapagod?"

"Magdamag kang tumatakbo sa isip ko!"

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon