08

361 16 7
                                    

08:



Kinabukasan, nang makauwi ako sa bahay namin ay nakita kong nandoon ang dalawang kapatid ko sa living room, nanonood ng TV. Pareho pang nakataas ang paa, ha?

"'Ma, nandito na me!" masigla kong sabi bago ibinaba sa couch ang mga gamit ko.

"Nasa kusina ako."

Nagpunta ako do'n at naamoy ko ang iniluluto niyang caldereta. Sarap talaga kapag nasa bahay mo ikaw, eh. Ito 'yong mga amoy na nami-miss ko kapag nasa apartment ako.

Nagmano ako sa kan'ya nang tuluyan na akong makalapit sa kan'ya.

"Kumusta? May bagsak ka?"

I laughed. "Grabe ka naman sa akin, 'Ma! Magkaka-tres ako pero hindi ako babagsak, 'no."

Binuksan ko ang ref namin at kumuha ng inumin. Naupo ako sa isang upuan at nagsalita.

"'Ma, may sasabihin ako sa 'yo."

Tumingin siya sa akin nang may masamang tingin.

"Ano? Nangupit ka sa Papa mo?"

Tumawa ako sa sinabi niya. "Grabe naman! Hindi, ah! Pinadadala ko kaya kay Papa lahat ng resibo!"

"Mabuti kung gano'n." muli siyang lumingon sa akin. "Ano na ngang sasabihin mo?"

"Ahh, noong nakaraang sem kasi, 'Ma, nagdesisyon kami ni George na ano..."

Lalong sumama ang tingin niya sa akin. "Ano?"

"M-Magsama ng apartment..." halos pabulong na sabi ko.

"Ano?!" lumapit siya at ipinatong ang kamay sa lamesa. "Lintik ka!"

Halos mapatakip ako ng tainga sa pagsigaw ni Mama.

"Mama, m-magkahiwalay naman kami ng kuwarto!"

"Kahit na! Lalaki 'yon!"

"Eh, sayang kasi 'yung renta. Ang laki ng matitipid. Tapos advantage pa kasi ginigising ako palagi ni George nang maaga."

Kumuha siya ng tubig sa ref at uminom din doon ng tubig. Na-high blood na yata nang dahil sa akin.

"'Ma, wala naman kaming ginagawang masama. Promise. Mabuting tao 'yon si George, hindi namin gagawin 'yon lalo na't alam naming hindi pa kami handa..."

"Hindi kayo kaagad nagsabi sa akin!" galit na sabi niya.

"Eh, natatakot ako," I chuckled awkwardly. "Pero 'yun nga, sinabi ko na rin sa 'yo ngayon..."

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga.

"Kapag ikaw, hindi nakapagtapos, Anna, sinasabi ko sa 'yo!" pagsermon niyang muli.

"Bakit kaya hindi makakapagtapos? Si Mama naman, ang nega."

"Kapag ikaw, nabuntis niyan, nako! Sinasabi ko sa 'yo, ikaw mag-iiwi ng anak mo!"

Humagalpak ako ng tawa nang itinutok pa sa akin ni Mama ang sandok na hawak. Nasa kusina kasi siya at nagluluto ng tanghalian. Hindi na ako nagpahatid kay George kasi sayang sa pamasahe.

"Hindi ako mabubuntis, 'Ma! Birhen ang anak mo!"

Tumingin siya nang masama sa akin.

"Ngayon lang 'yan paano'y bago bago pa lang kayo nagsasama. Sinasabi ko lang talaga sa 'yo, Brianna Rose! Naku!"

Muli akong tumawa bago lumapit sa kaniya para yakapin siya. I kissed her cheek.

"Magtiwala ka sa akin, 'Ma. Hindi kita bibiguin."

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon