42

373 11 4
                                    

42:



When George and I started to live again together, I've always doubted him and watched his actions. Alam kong ramdam niya 'yon, at kahit naman alam kong sa kan'ya nanggaling ang ugali kong ito, nahihiya pa rin ako.

Minsan, hindi ko naman sinasadya pero nakikita ko na lang ang sarili kong nagbo-browse sa chat history niya, call history, maging ang inbox niya.

Napatunayan ko namang wala siyang ibang kinakausap at kung mayroon man ay more on about work lang. I felt so guilty, but I just couldn't stop myself from doubting.

Siyempre, nagawa na niyang minsan, ano ba 'yong magawa niya ulit, hindi ba? Hindi naman imposible 'yon. Hindi naman perpektong tao si George, eh.


I focused on work again, like it was the usual day, while we're both planning on our wedding.

We started looking for the venue of the wedding and its reception a month after he proposed. Hindi naman namin hangad ang magarbong kasal, dahil tulad nga ng sinabi ni George, puwede naman kaming magpakasal ulit, pero kailangan naming tipirin ang pera namin sa ngayon dahil may bahay pa kaming ipapa-construct.

Tuwing weekends, pareho na kaming walang pasok ni George, dahil sa government na nga ang trabaho niya, at doon kami nagkakaroon ng maraming time para sa pagpa-plano ng kasal.

"Tingnan ko nga kung sinu-sino 'yang in-invite mo," I said.

Kinuha ko ang listahan na ginawa niya at binasa 'yon. Hindi ko naman na talaga dapat pakialaman ang mga invited guests niya since may sarili siyang set of friends, at gano'n din ako, pero hindi ko alam kung bakit...bakit inisa-isa ko ang lahat.

Nabasa ko ang mga pamilyar na pangalan na alam kong katrabaho niya noon sa Taguig. Hanggang sa makita ko ulit ang pangalan ng babaeng ayaw ko na sanang makita pa, kahit man lang ang pangalan niya.

I chuckled in disbelief.

"Joyce Ericka Lucero."

Nakita kong hinawakan niya ang kamay ko pero kinuha ko lang iyon mula sa pagkakahawak niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko...sa galit...sa sakit.

"Bakit kaya hindi na lang siya ang pakasalan mo?"

"Anna naman..." he sighed. "Nakapag-usap naman na kami at nagsisi na talaga siya—"

I laughed again in disbelief. "Talagang nag-usap pa kayo, ha? Habang wala ako? Wow!" I glared at him as I felt the heat on the corner of my eyes. "Alam mo, bahala ka na lang sa buhay mo, George."

Binitiwan ko ang papel sa harap niya at lumabas ng apartment. I drove my car and went to someone I've never know will become someone I can confide in.

"Hey," she said when I called her. "Kumusta wedding planning? Nawa'y lahat," she chuckled.

Napailing na lang ako nang marinig ko ang huling sinabi niya. Talaga namang nakuha na nila ang paraan ng pagsasalita ni George, huh?

"Tori, let's meet."

"Whoa, why? Wait, may problem ba?"

"Wala naman," I chuckled. "I'll text you the address."

I drove to General Luna and told Tori that I'll be at Concoctions bar. I am not the person to go on a bar every time I have problems, but, I don't know...I just wanted to get drunk tonight.

Nang makarating ako ro'n ay pumasok kaagad ako at pumunta sa bar counter. Nasa entrance pa lang ako ay amoy na amoy ko na ang halo-halong amoy na minsan nakakapagpasuka sa akin sa tuwing nagba-bar kami.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon