07

349 21 1
                                    

07:



After that Mass Demo, we became busier with the plates and scale model.

Dahil mahaba ang vacant namin ngayong araw ay inaya ko ang iba kong classmate sa apartment namin ni George para gumawa ng plates. Nasa lab ang iba naming gamit para sa paggawa ng scale model. Patapos na rin naman since ilang linggo na naming ginagawa 'yon.

Nasa living room kami at mamaya pang 4:00 PM ang next class namin. We still have three hours to cram for our plates.

Yes! Architecture students put the pro in procrastinating. Charot!

"Nasaan boyfriend mo, girl?" tanong ni KC.

"May klase 'yon." Sagot ko habang ginagawa ang plates namin.

"Buti ka pa pinayagang mag-apartment!" sabi ni Aika.

"Kaya nga, gusto ko rin mag-apartment!" sabi ni Deli.

Tumingin ako sa kanila. "Naku, 'wag niyo nang pangarapin! Ang hirap kaya na hindi mo natitikman luto ng nanay mo."

"Pero at least nagagawa mo lahat ng gusto mo, 'no," sabi ni Aika.

"Naku, hindi rin, 'no. Mahirap mag-apartment. Ikaw gagawa ng lahat lahat. Gising, luto, laba, linis ng bahay. Minsan nga ay hindi na ako nagluluto at sardinas o itlog na pula na lang inuulam ko dahil nakakatamad, eh."

Tiningnan ako nang mapanukso ni Deli.

"Kasama mo naman jowa mo."

"Tss. 'Yun lang naman ang advantage ko at masipag sa bahay si George."

Ngumisi si KC. "Buti pinayagan ka ng parents mo na kasama mo boyfriend mo sa apartment?" tanong niya.

"Oo nga! Kasi kahit 18 na tayo, ako, bawal mag-boyfriend!" reklamo ni Aika.

Tumawa ako sa sinabi nila. "Hindi naman alam ng magulang ko na magkasama kami. Hindi ko pa nasasabi."

"Huh? Bakit? Paano kapag nalaman nila?" nag-aalalang tanong ni KC.

"Kaya nga! Baka mamaya magalit!" pagsang-ayon ni Aika.

"Oo, magagalit talaga. Pero sigurado namang maiintindihan nila. Tsaka kahit naman magkasama kami sa iisang apartment ni George, wala naman kaming ginagawang masama, 'no."

Napatango sila sa paliwanag ko.

"Sabagay, may point. Tsaka para mura, 'di ba?" sabi ni Deli.

"Truth."

"Hindi niyo pa nagagawa?" curious na tanong ni Aika.

"Ang alin?" kunot-noo kong tanong.

"'Yung ano..."

Pinagdikit niya ang dalawang hintuturo niya na parang may inaakto. Humagalpak kaming lahat ng tawa sa ginawa niya.

"Hindi pa, 'no!"

"Wow, plus pogi points para kay George!" sabi ni Deli.

"Tama! Ilang buwan na rin yata kayong magkasama sa apartment pero wala pa rin nangyayari. Very good 'yan!" nakangiting sabi ni KC.

"Hindi nga ako hinahawakan no'n," natatawang sabi ko. "Mabait 'yon si George, at may respeto. Kiss at yakap lang kami. Wala nang hihigit pa do'n."

"Nawa'y lahat may supplier ng yakapsule at kisspirin," naiinggit na sabi ni KC.

"Kaya nga!!!" sabay na sabi ni Aika at Deli.

"Noon pa kayo magkasamang apartment 'di ba?" tanong ni Aika.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon