05

375 15 9
                                    

05:



The ARKI Night came, and I wore a semi-formal dress. It was a maroon off-shoulder mullet dress; two-inches above the knee in front, and one-inch below the knee on the back. The sleeves are below my shoulders, and it has a one-inch width too.

Simple lang, since semi-formal lang naman ang party.

I also wore a black wedge, since hindi ako magaling gumamit ng stilettos. Baka mamaya ay mapilayan pa ako, huwag na nating ipilit. I applied light makeup. Marunong naman talaga akong mag-makeup dahil tinuruan ako ng mga kaklase ko noong high school. Hinayaan ko lang na nakabagsak ang buhok ko at walang kahit na anong ipit.

Ayaw rin ipakita ni George sa ibang tao ang batok ko, parang tanga.

Inihatid ako ni George sa venue, sa closed gym ng school, pero hanggang labas lang. Hindi rin naman kasi siya puwede sa loob dahil para sa Architecture students lang ang party na ito.

"Ano? Uwi ka na, papasok na rin kami maya-maya."

Gabi na rin kasi halos. Wala pa naman kaming niluto bago umalis.

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko. "Enjoy ka, ha?"

Tumango ako. "Oo naman!" Sabi ko nang malawak ang mga ngiti.

Tumingin siya nang masama. "Parang ayaw kong pumayag na mag-party ka dahil sa mga ngiti mong 'yan."

Tinawanan ko naman siya. "Nagbibiro lang ako, ikaw naman!"

Tumawa siya bago hinawakan ang mukha ko at pinaulanan ako ro'n ng halik. Nakita ko ang mga estudyanteng kasama ko na para bang nandidiri sila sa nakikita. Natatawa akong binawal si George.

"Tumigil ka na nga, ang daming nakatingin."

"Ano pakialam nila? Wala lang sila, eh."

Natawa naman ako do'n. Kung isa ako sa mga nanonood sa aming dalawa ngayon ay baka kasama na ako sa mga nagbabato sa amin ng masasamang tingin.

"Sige na, umuwi ka na."

Tumango siya. Bago umalis ay siniil ako ng tatlong segundong halik bago nagpaalam sa akin.

Naiilang akong naglakad papunta sa puwesto ng mga kaklase ko. Nakita ko si KC na may mapanuksong tingin, siguro ay nakita ang ginawa ni George sa akin.

"Ikaw, ha..." sabi niya pagkarating ko sa tabi niya. Sinundot niya pa ang tagiliran ko. "Sana lahat may boyfriend!"

"Nawa'y lahat," dagdag ng kaklase kong si Deli.

Tinawanan ko sila. "Maghanap ka na rin!"

"Tss. Mas masaya kapag walang jowa pero maraming kalandian."

Natawa naman ako nang dahil doon. Tiningnan ko ang mga kaklase ko at nakita kong nandoon na rin sila Ron at Karlo. Kumaway ako sa kanila, at kumaway naman pabalik sa akin si Ron, habang si Karlo naman ay binigyan lang ako ng tipid na ngiti.

Ilang sandali pa ay pinapasok na kami sa loob ng venue. May allotted places naman kada year and section, para raw sama-sama ang magkakakilala.

Nang mag-8:00 PM ay doon pa lang opisyal na nagsimula ang party. Nagkaroon ng kaonting mga salita ang host, mga guest speakers, kaonting intermission, at pagkatapos no'n ay ang pagkain ng dinner.

"Finally!"

"Jusko, gutom na ako!"

Marami pa akong narinig mula sa mga kaklase kong reklamo, at feel na feel ko naman sila dahil 9:30 PM na! Buti na lang at pinakain ako ng sandwich ni George bago umalis.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon