17

316 8 3
                                    

17:

Like the group planned, we went to the site in New Clark, Pampanga to study the land that the thesis project will be conducted.

Sobrang hirap...sobrang magastos. Sobrang stressed na kaming lahat lalo na ngayong patapos na ang semester.

One of the things that made this year very hard for is the Architecture Comprehensive Course, or what we called compre. Sobrang nahirapan kami sa exam dahil lahat ng major subjects, lahat ng napag-aralan namin sa mga nakaraan ay ie-exam namin dito.

Midterm was a hell. Muntik na akong bumagsak. Kung hindi ako nagpuyat sa pagre-review, siguradong bagsak ako.

Aika failed the midterm exam for compre, but she's catching up. She was crying so hard because she's afraid that she'll fail, but at least, she's doing better than she did before. She's really catching up.

Ito 'yung pinakamadugong subject na pinag-aralan ko sa lahat.

"Okay ka lang?" tanong ni George.

Hawak-hawak ko ang ulo ko habang nagre-review para sa final exam sa compre, at sobrang stressed na rin ako, dagdag pa 'yong written thesis this semester na ang daming revisions. Next semester, ia-apply pa namin 'yong thesis namin ngayon at gagawa ng scale model.

"Oo, okay lang ako..." I said.

"Bakit hawak mo ulo mo? May masakit ba sa 'yo?" he asked me as he sat beside me.

Nakapatong ang mga siko ko sa table habang ang mga kamay ko naman ay nasa noo ko. Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng dapat gawin, at information na dapat ipasok sa utak namin.

"Okay lang, stressed lang."

"Pahinga ka na muna."

Umiling ako. "Kailangan kong mag-review. After nito, may defense pa kami."

Bigla na lang akong naiyak pagkatapos kong sabihin iyon. May defense pa nga pala pero pakiramdam ko ay tagilid kami.

"Uy, 'wag kang umiyak." George said as he pulled me into a hug.

"I'm tired."

He caressed my back as he tried to calm me down. "Ang hirap ng compre."

Umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya habang yakap niya ako. Alam ko na mukha na akong tanga dahil iniiyakan ko ang subjects ko ngayon, pero sobrang nahihirapan na talaga ako. Ang hirap nang sabay-sabay ang requirements.

Sa limang taon kong pag-aaral ng Architecture, napakadalas kong pumasok nang tatlong oras lang ang tulog, kung minsan nga ay wala pang tulog. Lalo na noong nag-fourth at fifth year. Pakiramdam ko ay magkakasakit na ako.

"Kaya mo 'yan, Architect. Nandito lang ako. Kung may maitutulong ko, puwede ka naman humingi ng tulong sa akin."

Umiling ako. "May trabaho ka nga, eh."

He chuckled slightly. "Hindi naman ako nagta-trabaho dito."

"Pero nagpapahinga ka."

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at bahagyang inilayo sa kaniya. pinunasan niya ang luha ko.

"Huwag ako nag isipin mo. Kailangan mong magpahinga. Kailangan mo ng tulong, tutulungan kita. Kahit saan, tutulungan kita. Huwag ka nang umiyak, ha?"

Tumango ako. Ilang sandali pa ay pinunasan niyang muli ang mga luha ko bago ako pinaulanan ng halik sa bawat sulok ng mukha ko. I chuckled a little, until he claimed my lips to give me a kiss that lasted for few seconds.

"Go, architect. Kaya mo 'yan!"

I smiled at him. "Thank you. Thank you, bb."

He laughed. "Always welcome, bb."

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon