37

385 10 0
                                    

37:



Pagpasok ko sa loob ng apartment ay nakita ko si George na nakatingin sa pintuan na para bang hinihintay akong pumasok mula ro'n. Lumunok ako bago naglakad ulit pabalik sa sala.

"Oh, ikaw? Bakit hindi ka pa umuwi?" masungit na tanong ko.

"Saglit lang, ubusin na natin 'to," sabi niya.

Naupo ako sa sahig sa harap niya at sinalinan ang shot glass naming dalawa. Pinagtama naming dalawa ang shot glass namin bago ininom ang laman no'n.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nag-iinuman lang kami nang tahimik. Hindi ko na alam kung ano ang itsura niya ngayon, o nakakaramdam na rin ba siya ng hilo, tulad ko, dahil tuloy-tuloy lang kami sa pag-inom.

Nang maubos ang Jose Cuervo ay gumegewang akong tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng dalawang beer in can sa ref. Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan pa rin naming mag-inumang dalawa kahit na tapos na dapat.

Nang makabalik ako ng sala ay iniabot ko iyon sa kan'ya. Mauupo na sana ako sa harap niya nang pinigilan niya ako.

"Dito ka na maupo," he said. "Ngayon lang."

Hindi na ako sumagot pa. Naupo ako sa tabi niya at naglagay ng kaonting distansiya sa aming dalawa. Sabay naming binuksan ang beer, at muling nag-cheers, bago ininom ang laman.

"Ganito rin tayo noon sa apartment natin, natatandaan mo ba?" tanong niya.

I chuckled. "Hindi naman ako nagka-amnesia," I said. "Nakipaghiwalay lang ako, pero natatandaan ko pa naman ang mga bagay na 'yon."

Amoy na amoy ang alak sa aming dalawa, at ramdam na ramdam ko na ang hilo kahit na pambanlaw na lang itong iniinom namin ngayon.

He sighed. "Hanggang ngayon, hindi pa rin ako pinapatulog ng konsensiya ko sa ginawa kong pananakit sa 'yo," he said. "Pero Anna..." he sighed. "Itataya ko ang buong buhay ko, mapatunayan ko lang na hinding-hindi na ulit mangyayari 'yon. Gusto ko lang bigyan mo ako ng pagkakataong patunayang muli ang sarili ko sa 'yo..."

Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko sa sinabi niyang 'yon. Uminom ako ng beer para mapigilan ang pagtulo ng mga luha kong ngayon ay nangingilid na. Nahirapan na rin akong ilunok ang beer sa lalamunan ko dahil parang may nagbabara na naman.

"Anna, kahit isa lang... kahit isang beses lang, pagbigyan mo ako. Tutal, isang beses lang naman akong nagkamali, at hindi ko itinatanggi 'yon. Habang-buhay akong hihingi ng tawad sa ginawa kong 'yon..."

Nag-iwas ako ng tingin nang hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"I'm sorry. I'm really, really sorry that you had to go through that pain. I'm so sorry that I wasn't brave enough because I was greedy for that promotion—I didn't take care of you enough when we were together."

Sunud-sunod nang tumulo ang mga luha ko nang maalalang muli ang mga araw na 'yon.

"Hindi ko naman kinalimutan 'yong mga araw at gabing alam kong umiiyak ka dahil natatakot ka. Naalala ko ang lahat ng 'yon noong gabing nagkamali ako, kaya hindi ko kinayang humarap sa 'yo. Kung akala mo nanatili ako sa Batangas, kasama siya, Anna hindi. Umalis rin kaagad ako."

Tumango ako, para sabihing tama na—ayoko na sanang marinig pa ulit. Pero tila wala akong boses para magsalita, at wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak sa tabi niya.

"I feel so ashamed of myself that time...and I'm sorry. I'm really, really sorry, love."

I felt him move closer to me. Hinawakan niya ang mukha ko at marahang iniharap sa kan'ya. Pinunasan niya ang mga luha ko at hinalikan ako sa noo. Mabilis kong inilayo ang mukha ko sa kan'ya.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon