04

378 17 10
                                    

04:



Tulad ng sinabi ko ay sinulit ko ang weekend ko dahil wala kaming plates na dapat gawin at hindi rin kami binigyan ng mga assignments sa ibang subject dahil nga simula Lunes ay magiging busy ang lahat para sa National Architecture Week.

Kauuwi lang ni George galing sa NSTP class niya at ngayon ay nandito kami sa living area, nasa table siya. Habang may ginagawa si George sa laptop, ako naman ay nakahiga lang sa couch at nanonood ng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo sa cellphone ko.

Humagalpak ako ng tawa nang iniharang ni Nam Joo Hyuk si Lee Sung Kyung noong may dumaang sasakyan sa baha. Gagong-gago, sapul tuloy si Bok Joo!

"Hoy, ching chong! Hinaan mo nga boses mo!" reklamo niya.

Sinulyapan ko lang siya at hindi na pinansin.

"Mag-earphone ka na nga lang!"

"Manahimik ka nga d'yan at huwag akong pansinin!"

"Ang ingay mo, eh."

Tumingin ako nang masama sa kaniya. "Ikaw, hindi kita pinapansin kapag tuwang-tuwa ka sa pinanonood mo, ha!"

"Tss!"

Bumalik na siya sa ginagawa niya at ako naman ay tuwang-tuwa dito sa pinanonood ko. Napanood ko na ito noon, eh. Gusto ko lang panoorin ulit ngayon para mawala stress ko.

Nakaka-ilang episode na ako nang maramdaman kong umupo si George sa paanan ko at kiniliti ako sa talampakan. Tumatawa akong sinisipa siya dahil sa kiliti niya.

"Bitiw nga, para kang ewan!"

"Luto na, oy! Anong oras na."

"Ikaw na magluto, tinatamad ako."

"Ang tamad naman pala ng mapapangasawa ko."

Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya, pero mabilis rin na nag-iwas dahil sa hiya.

"Mapapangasawa ka d'yan!"

"Bakit? Ayaw mo?" tanong niya na may halong pagbabanta.

"Ayaw."

"Ahh, ayaw mo, ah?"

Ilang sandali pa ay kinuha niya ang cellphone sa akin at dinaganan ako.

"Aray! Ang bigat mo!"

Niyakap niya ako nang mahigpit habang nakadagan niya sa akin.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo binabawi sinabi mo."

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong inaasar niya nga ako!

"Alis na, sasapakin kita mamaya, sige!"

"Sabihin mo munang magiging asawa kita," sabi niya nang nakangiti.

"Tss! Oo na! Oo na!" sabi ko habang itinutulak siya paangat.

"Oo? Anong oo na?"

"Oo na! Magiging asawa mo na ako!"

He laughed when I said that. Ilang sandali pa ay iniangat na niya ang sarili niya. Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya at pinaulanan ako ng halik.

Napahagikgik ako sa ginawa niya dahil sa kiliti...at sa kilig. Isa kasi 'yon sa mga gustong-gusto kong ginagawa niya.

Pagkatapos niyang halikan ng marami ang bawat sulok ng mukha ko, ay binigyan niya ng paulit-ulit at mababaw na mga halik ang mga labi ko.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon