28

314 13 7
                                    

28:



"Ganito sana 'yong design na gusto ko, Architect," sabi ng kliyente ko habang may ipinapakita sa aking picture na naka-save sa cellphone niya na mula yata sa Google. "Gustong-gusto ko 'yong style na 'to! Kaya mo naman 'yon, 'di ba?"

Napakamot ako sa ulo ko bago tumango bilang tugon. Ibinigay niya sa akin ang picture ng interior design ng bahay na gusto niya. Gusto niyang kopyahin ko 'yon, o maging inspired do'n ang disenyo ng bahay niya.

Hindi ko talaga alam kung bakit nagpapa-disenyo pa sila sa mga architect kung may pagbabasehan pa rin naman pala kami at hindi kami magiging malaya sa pagdidisenyo.

"Mga kailan ko makikita 'yong final design mo, architect?"

Tingnan mo na lang 'yang picture sa cellphone mo, tutal 'yan naman ang pinapagawa mo sa akin...

Minsan gusto ko na lang na sumagot sa mga kliyente ko, eh. Pero dahil napakabuti kong empleyado ay sinusunod ko pa rin ang gusto ng kliyente ko. Pero siyempre, mas ginagandahan ko ang design ko kaysa sa pinakita nila!

"In a week, ipapakita ko sa inyo ang unang plano ko."

Tumango ito bilang tugon.

Marami pa siyang ni-request para sa interior ng bahay na pinapa-remodel niya, at karamihan sa mga nire-request niya sa akin, may reference siya na picture mula sa Google at Pinterest.

Nang makaalis na ang kliyente ko ay nagsimula na akong gumawa ng concept kuno sa interior ng bahay niya.

Gagawa pa ng concept, may basehan naman!

"Stressed na Architect, ah?" natatawang sabi ni Jin habang hawak ang blueprint ng project na ginagawa niya sa Bataan. "Halos isang taon ka na rito, wala pa ring laya sa disenyo, 'di ba?"

Inaasar talaga ako nito, eh. Buti nga sa kaniya, na-busted siya!

"Tss. Kapag ako nakahanap ng kliyenteng magtitiwala sa pagdi-disenyo at pagpa-plano ko, ipapakita ko sa kanila kung gaano ako kagaling sa residential at designs noong college ako!"

He laughed. "Huwag kang mag-alala, makakatagpo ka rin ng kliyenteng gano'n! Sa ngayon ay bago ka pa lang kasi, kaya wala pa halos tiwala ang mga kliyente sa designs mo. Pero kapag lumipas ang panahon at nakita nila ang mga projects mo, makakakuha ka na talaga ng malaking project na buo ang tiwala sa 'yo."

"Tss. Sana nga."

"Mas maganda pa nga ang mga design na ginagawa mo kaysa sa basehan na ibinibigay nila sa 'yo, eh."

"'Di ba?!" pagsang-ayon ko sa sinabi niya na tinawanan niya. "Bakit kasi magpapa-design sila sa mga architects kung mayroon naman na pala silang design na nakahanda? I mean, bakit hindi nila ipagkatiwala sa architects ang design? Ayaw ba nila ng fresh ideas? Bakit laging may basehan na kinuha sa Pinterest?"

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa stress.

"Kaya mo 'yan! Masasanay ka rin!"

Matapos niya akong asarin ay umalis na siya at pumunta sa sariling cubicle niya. itinuloy ko na ang ginagawa ko.

It's been almost a year since the day that I started working in Herrera Architectural Firm. Masaya at nag-e-enjoy ako, lalo na kapag ginagawaan ko na ng layout ang plano.

Ang masakit, hindi ko nagagawa 'yong mga design at ideas ko para sa isang plano dahil laging nagbibigay ng basehan sa akin ang kliyente.

Wala pa akong solo project dahil bago pa lang ako kaya naman tuwing may project, lagi akong may kasamang mas mataas na posisyon na architect, at madalas ay si Jin 'yon.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon