36

391 13 1
                                    

36:



Pabalik na ulit ako ng Baguio dahil tapos na ang week-long vacation na bigay ng Herrera Architectural firm sa amin.

"Ma, alis na ako!" pagpapaalam ko.

Hapon na ako aalis ng Nueva Ecija dahil tinanghali kami ng gising. Nag-inuman kami dito sa bahay hanggang 3:00 AM, at oo. Kasama si George. Wala na akong idea sa kung saan siya natulog dahil mas nauna akong natulog kaysa sa kanila.

"Mag-iingat ka, ha?" sabi ni Mama bago ako hinalikan sa pisngi.

Sinamahan niya ako sa garahe at siya na ang nagbukas ng gate para makalabas na ang sasakyan ko nang dire-diretso. Nag-maniobra ako at lumabas ng gate habang nakatuon ang atensiyon sa rearview mirror.

Habang inilalabas ko ang sasakyan ko ay may nakita akong sasakyan na papunta sa gawi ko. Napabuntonghininga ako nang makita ko ang pamilyar na plate number.

Bakit kaya hindi na lang siya dito sa bahay namin tumira para hindi siya mahirapang magbyahe mula Cabanatuan hanggang Talavera?

Hindi ko na siya pinansin. Kumaway na lang ako kay Mama bago itinaas muli ang bintana ng sasakyan. Ilang sandali pa ay tumapat sa akin ang sasakyan ni George at binuksan ang bintana. Ibinaba ko na rin ang sa akin.

"Bakit na naman?"

He smiled. "Sa Baguio na rin muna ako."

"Wala ka bang balak magtrabaho ulit?"

He chuckled. "Nag-invest ako sa isang company. Kahit hindi ako magtrabaho, kikita ako."

Napailing na lang ako bago itinaas muli ang bintana at nag-drive na paalis do'n. Iniwanan ko na siya. Bahala na siya. Hindi na rin naman ako maliligaw kahit wala akong GPS dahil kabisado ko naman na.

Nakita ko na nag-overtake sa akin si George. Akala niya yata ay hindi ko kabisado ang daan pauwi sa Baguio!

Hindi ako nagpatalo sa kaniya. Um-overtake din ako sa kaniya at mas binilisan pa ang pagdi-drive. Para kaming mga tangang nagkakarera sa highway palabas ng Talavera. No'ng huli ay ako na ang sumuko at hinayaang siyang mauna sa akin.

Hindi niya ako maiinis dahil hindi niya naman alam ang number ko. Pinagsabihan ko lahat ng pinsan niyang kakilala ko na huwag na huwag ibibigay sa kan'ya ang number ko, pati mga kaibigan at kapatid ko. Lalong-lalo na si Mama na hanggang ngayon ay botong-boto pa rin kay George!

Napasinghap na lang ako.

Kung malaman kaya ni Mama 'yong dahilan ng paghihiwalay namin, boto pa rin kaya siya kay George?

Umiling ako nang umiling sa naisip. Ayoko namang masira ang tingin nila kay George dahil lang sa kasalanan nito sa akin! Sa akin lang siya nagkamali kaya ako lang dapat ang masira ang paningin sa kaniya!

Bakit ba kasi ako ganito? Bakit ba lahat na lang naiintindihan ko? Sila nga hindi ako naiintindihan, eh. Nakakainis na.

Nag-stopover ako sa La Union para kumain dahil nagugutom na ako. Ito ang ayaw ko, eh. Nakakapagod kayang mag-drive. Mas okay pa para sa akin ang mag-commute kasi p'wede akong matulog.

Pumasok ako sa Jollibee para kumain. Mag-drive thru na lang sana ako, pero gusto kong magpahinga muna sa pagmamaneho. Ang hirap din ng daan dito na paakyat kaya pakiramdam ko ay bitbit ko ang sasakyan ko sa pagdi-drive.

Um-order ako ng spaghetti, burger, fries at coke float tsaka naupo sa isang bakanteng table sa tabi ng glass window. Magsisimula na sana akong kumain nang may isang lalaking may dalang tray ang naupo sa harap ko.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon