25

327 10 5
                                    

25:



Two years were so fast every time I am with George.

My 3,840 hours required for apprenticeship is already done. Niyakap ako nang mahigpit ni Architect Sheena sa huling araw ng pagdu-duty ko sa company nila.

"Tell me that you'll come back here," she told me. "I'll miss you. you're the best apprentice I've ever had."

I chuckled as I slightly tapped his back. "I'll try apply here when I passed my ALE. I promise."

Kumalas na siya sa yakap at hinalikan ako sa pisngi. "Kaya mo 'yan, Architect!"

Ibinigay na rin sa akin ang blue book, o ang logbook, na magpapatunay na natapos ko ang 3,840 hours kong apprenticeship sa company na ito.

Sobra-sobra pa nga ang itinagal ko, sa totoo lang, kasi gusto kong makitang matapos ang isa sa mga projects na hinawakan namin sa Cavite. Iyon ay isa sa malalaking projects na nahawakan ko bilang apprentice.

Five-storey building siya na may six rooms sa bawat floor. Apartment siya, katulad ng tinitirhan namin ngayon ni George.

Hindi pa naman siya tapos itayo, kasi matagal talaga 'yon. Pero at least na-finalize na ang plano, at nakakapangalahati na sa pagtayo. Nakaka-proud din na isa ako sa gumawa ng interior design no'n.

Nang matapos ang isang araw na iyon ay dumiretso na ako sa bahay, naligo at nagbihis. Wala pa si George kaya naman nagpahinga na muna ako. Binasa ko ang mga reviewer ko para sa darating na exam ko sa June.

Malapit na rin ang ALE ko, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.

Habang nagbabasa ako ay pumasok naman si George sa loob.

"Uy, nand'yan ka na pala," sabi ko.

"Wala pa."

Tumingin ako nang masama sa kaniya na siya namang tinawanan niya. Naupo siya sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Lapit na exam ng bebe ko, ah?" sabi niya habang hinuhubad ang sapatos. "Kayang-kaya mo 'yan! Ako nga, kinaya ko, eh."

Last year, nag-take siya ng Civil Service Exam at proud na proud ako nang makapasa siya sa unang take pa lang! Sa sobrang saya nga niya ay inaya akong pumunta ng Baguio para ibalita niya sa Lola niya ang nangyari.

Tuwang-tuwa rin ang parents niya dahil do'n. Pinag-loan pa siya ng sasakyan para raw may service siya sa trabaho, at sa tuwing pupunta siya ng Baguio. Marunong naman siya mag-drive kaya naman maayos na rin.

"Kapag nakapasa ka na at naging professional architect ka na, puwede na tayong magpakasal," he said.

I chuckled. "Wala pa nga akong stable job, kasal na kaagad?"

"Eh 'di kapag nagka-stable job ka na," he winked.

"Major projects muna!"

Kita kong naging mas matipid niya sa sumunod na pagtanggi ko sa kan'ya.

"Eh 'di kapag nakakuha ka na ng major projects mo..."

I planted a kiss on his lips. "Tingnan natin," I said.

Pitong taon na kami sa relasiyon, at kahit na sabihin pa nilang ang tagal na namin at kailangan na naming magpakasal, pakiramdam ko ay hindi pa kami handa. Magtu-twenty four pa lang kaming pareho, hindi ba't masiyado pa kaming bata pa sa gano'n?

Pero hindi ko rin masabi kung ano talaga ang dapat kong maramdaman. Hindi naman niya ako pine-pressure sa pagpapakasal. Alam ko namang handa siyang maghintay sa akin hanggang sa tuluyan na akong maging handa.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon