48

402 11 4
                                    

48:



"Alis ako, ah?" pagpapaalam ko sa kanila nang makitang nagluluto si KC ng hapunan. "Babalik din ako kaagad. Inuman tayo," I laughed.

"Hoy, saan ka pupunta?" tanong ni KC mula sa kusina.

"May meeting lang ako sandali. Mabilis lang 'yon."

"Bilisan mo, ah?" sabi ni Deli. "Bumalik ka kaagad."

I chuckled. "Opo, baby. Uuwi kaagad si Ate."

She showed me her middle finger. "Pakyu."

Tinawanan ko na lang sila bago lumabas ng condo ni Deli.

Hawak ang susi sa kaliwang kamay ko ay kinakabahan akong nag-text kay Joyce at sinabing papunta na nga ako. Naro'n na raw siya at naghihintay sa akin.

Nang makasakay ng sasakyan ko ay nag-drive ako papunta ro'n. Na-traffic pa nga dahil 7:00 PM na. Mabuti na lang at hindi gaanong heavy traffic, dahilan para makarating kaagad ako sa restaurant.

Nang makarating ako ro'n ay sinalubong ako ng waiter, at itinanong ang pangalan ng nagpa-reserve ng table. I told him her name and he guided me to the table.

Nakita ko siyang nakaupo ro'n at tahimik na naghihintay habang nakikinig sa classic instrumental song na tumutugtog sa loob. Magkahawak ang dalawang kamay niya at parang nag-iisip nang malalim.

She changed a lot, I must say. She's still beautiful but the changes in her are very visible. Hindi ko lang alam kung ano 'yon.

Nang mapansin na naroon na ako ay tumayo siya at binati ako.

"Nand'yan ka na pala, Architect. Upo ka," she politely said.

Tumango ako at naupo sa harap niya. Bumalik na siya sa pagkakaupo. Ilang sandali lang din ay dumating ang waiter at kinuha ang order namin. I ordered beef steak dahil nagugutom na rin ako. Hindi pa ako kumakain simula kanina.

"Please add a Sauvignon Blanc. Thank you."

I looked at her. I was about to start talking when she started talking first.

Naunahan ako!

"Before we start about the topic that both you and I know, shall we wait for the food to arrive and enjoy it first? I heard that this restaurant is serving the best steak in the city," she politely said.

Bahagya na lang akong tumango bilang tugon sa kan'ya. I scrolled through my phone and then I remembered Deli and KC—hinihintay nga pala ako ng mga 'yon.

Nag-text ako sa kanila at sinabing baka medyo magtagal ako dahil dito na ako magdi-dinner. Nag-reply naman kaagad sila.

Deli:

Scam ka talaga madafaka

KC:

Pasalubong ko po mommy

I chuckled as I read their replies. Sinabi ko na lang na bibili akong alak mamaya at mag-iinuman kaming lahat.

Ilang sandali pa ay dumating na ang waiter dala ang order naming steak, maging ang wine na in-order niya. Nagpasalamat siya sa waiter matapos iyon. Nag-bow nang bahagya ang waiter sa amin bago umalis.

As I was watching her now, she really did change a lot...or did I judge her way too hard? She looks so soft now.

Binuksan niya ang wine at sinalinan ang wine glass namin nito, tsaka kami tahimik na nagsimulang kumain. Hindi na lang din ako nagsalita at nagsimula nang hiwain ang karne.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon