32

387 12 0
                                    

32:



Weeks after ng presentation ay muling pinatawag ang mga architect-in-charged for the building. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako since ngayon na mamimili ng mga gagamiting kosepto para sa proyekto.

"Good morning, Architects and Engineers."

Nagsimula nang magpaliwanag ang head para sa mga ideya ng kliyente na gustong idagdag.

Tulad ng inaasahan ko ay hindi nakuha ang p-in-resent kong exterior no'ng nakaraan. Kay Architect Kyseiah ang exterior, at ang ilang parte naman ay kay Architect dela Paz.

"Architect Ria will be the one to make the floor plan of the units, and we'll be using the ­­baybayin concept on the logo, and every letters that will be seen in the building."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil do'n. Ibig sabihin, nasa akin pa rin nakasalalay ang isa sa pinakaimportanteng bagay ng isang building! I feel so happy, and I feel so nervous at the same time.

This will be the biggest project I'll be having!

"The name of the establishment will remain Cloud's Condominium building, but we will still use the baybayin alphabet, translating the English words into Tagalog but will be written in baybayin.

Para sa swimming pool bilang amenities ng condominium ay si Jin ang in charge, maging sa ibang parte ng building tulad ng mga hallway, lobby, at marami pang iba.

Ilang oras bago natapos ang meeting ay lumabas na kami ng meeting room. Sakto rin na lunchbreak na iyon kaya naman nag-time out na muna kami bago nagpunta ng cafeteria.

"Congrats, Architect Ria!"

Lumingon ako sa gilid ko na nagsalita at nakita ko si Jin na nakangiti sa akin. Nakipag-fist bump ako sa kaniya.

"Salamat. Congrats din!"

He chuckled. "Ikaw talaga ang the best sa residential, eh."

"Tss."

Kumuha na kami ng mga pagkain namin bago naupo sa table. Nagsimula na kaming kumain ni Jin nang magsalita siya.

"Wala ka ba talagang balak gumawa ng Facebook? Instagram? O kahit na anong paraan para mas madali kang ma-contact?"

Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakakunot siya ng noo.

"Gumawa ka na."

Umiling ako. "Hindi na. Mahirap na, baka mahanap pa ako no'n."

He chuckled. "Sa tingin mo ba talagang hindi ka niya mahahanap? Tara-rito 'yong tao, Architect. Sigurado akong madali ka lang mahahanap no'n."

I smirked. "Kung malalaman niyang nasa Baguio ako, baka nga."

He sighed. "Gumawa ka na kasi. I-private mo na lang."

Tumango ako bilang tugon. "Oo. Block ko na lang din para hindi niya makita."

Marami pa kaming bagay na pinag-usapan tungkol sa proyekto habang kumakain. Nang matapos ay bumalik na sa office para magsimulang magtrabaho.


Kinagabihan, tulad ng sinabi ni Jin ay gumawa na nga ako ng Facebook at Instagram, parehong pribado. Iba ang pangalan na ginamit ko, at hindi ako naglagay ng apelyido dahil sabi ni Jin ay puwede naman iyon basta gagawaan ng hocuspocus.

I searched for that girl's Instagram, together with their other workmates so I could block them.

Nang mai-visit ko ang account no'ng babae ay wala itong bagong posts simula noong mga  nakaraang buwan, pero ang huling posts ay ang tig-iisang picture ng bawat salita na:

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon