45

418 11 3
                                    

45:



Bago umalis ng Baguio si Deli ay nag-aya siyang mag-bar nang sa gano'n ay maranasan naman niya ang pinagmamalaki kong Baguio Nightlife dito. Lagi ko kasing pinagmamalaki sa kanila na mas maganda ang nightlife dito kaysa sa Manila at inggit na inggit sila na sa Baguio ako naka-base.

"Tangina, buti pa rito may respeto mga tao kahit lasing na!" sabi ni Deli nang makalabas kami sa Drop Out bar. "Taena sa BGC mga nag-aaya agad ampota, pokpok ba?!"

Tumawa kaming dalawa sa sinabi niyang 'yon. Totoo naman, dahil masiyadong wild ang mga tao sa Manila. Dito kasi sa Baguio, may gano'n din naman pero mas marami 'yong marespeto.

Nagpunta na kami sa parking lot kung nasaan ang mga sasakyan naming dalawa.

"Kaya mo bang mag-drive? Gusto mo ipag-drive kita?" tanong ko.

Itinuro niya ang sarili niya. "Anna, ako ba itong minamaliit mo sa inuman?" I laughed. "Hindi nga ako nahilo! Kayang-kaya ko, 'no!"

"Oo na!"

"Basta ikaw, ang gusto kong gawin mo, umuwi ka kay George."

Bahagya akong ngumiti sa pagbanggit niya ng pangalan ni George.

"Nasubaybayan naming lahat kung paano kayo nagsimula bilang magkasintahan. Hindi man namin nakita kung paano ka niya niligawan, pero the fact na nandoon kami noong mag-jowa na kayo, hanggang sa ma-engage sa unang pagkakataon, siguro naman, enough na 'yon para mapatunayan namin na dapat lang kayo para sa isa't-isa, hindi ba?"

I didn't answer. Hindi nga rin ako makatingin sa kan'ya dahil nahihiya ako.

"Hindi ko naman ipipilit kung ayaw mo na talaga, o kung hindi mo na talaga mahal. Kaso Anna, sa nakikita ko sa 'yo, wala ka nang balak na maghanap pa ng iba kung hindi lang din si George, eh. At napatunayan ko 'yon, Anna. Alam ko na mahal na mahal mo lang si George kaya ka nagkaka-gan'yan ngayon. Natatakot ka lang.

"Pero Anna, si George na 'yan. Siya na 'yan, eh. Nand'yan na siya sa 'yo, kasal na lang ang kulang. At gusto kong maging masaya ka. Kahit ikaw na lang, kahit huwag na ako, Anna, kasi sa totoo lang, mas nanghinayang pa ako sa relasiyon niyong dalawa kaysa sa relasiyon namin ng jowa ko."

I heard her laugh but I know that deep inside her, it still hurts her.

"Gusto kong mahanap mo 'yong taong magbibigay sa 'yo ng genuine happiness na minsan naming nakita sa 'yo noon, at alam ko, alam naming lahat, na walang ibang taong makakapagbigay sa 'yo no'n kung hindi siya lang...si George lang."

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko sa sinabi niyang 'yon. Gusto ko siyang yakapin ngayong oras na 'to, at magpasalamat dahil may isang taong katulad niya sa buhay ko. Pero hindi ko magawa, kasi alam kong mas nasasaktan siya ngayon kaysa sa akin.

Mas nasasaktan si Deli ngayon... kaya kung yayakapin ko siya...siguro 'yon ay para iparamdam sa kan'ya na nandito lang ako.

"Anna, please... come home to George. He was, still, and will always be, your home. Always."

I went to her and hugged her.

"Thank you," I said. "Deli, I know that someday, you'll find your way home again."

I felt her hugged me back as she chuckled. "Paano naman mangyayari 'yon kung nasa langit na?"

Sumakit ang loob ko sa sinabi niyang 'yon.

"Kaya mo 'yan, ano ka ba..."

She laughed. "Kinakaya ko, ano ka ba? Ang tagal na rin naman..."

Kumalas siya sa yakap at nakita ko ang pangingilid ng mga luha niya pero tumatawa siya.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon