47

396 11 1
                                    

47:



He continued talking despite the both of us being so drunk right at this moment.

"Sukong-suko na ako sa buhay ko no'n," he chuckled. "Kahit pamilya mo, hindi alam kung nasaan ka kaya kahit na hingin ko ang tulong nila para mahanap ka, wala akong magawa. Hindi ko alam kung nasaan ka. Hindi ka nga rin ma-track, eh."

Of course, hindi ko hahayaang ma-track nila ako noong mga oras na 'yon. Alam kong gagawin niya 'yon para mahanap ako kaya ginawa ko ang lahat para mapigilan ang pag-track sa akin.

"Takot na takot ako no'n, kasi baka magkaroon ka ng iba. Takot na takot ako na baka sa susunod nating pagkikita, may mahal ka nang iba," he laughed. "Ayaw ko 'yon."

"Gano'n ba ang pagkakakilala mo sa akin?" I asked curiously.

"Hindi, siyempre. But with the reason that you left me, you can do that. And I have no say on that. Alam kong hindi ka gano'n kababaw para maghanap kaagad ng ipapalit sa akin. Pero kapag nakaramdam ka ng takot, lahat na ng masamang bagay, maiisip mo, kahit na alam mong hindi naman mangyayari."

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang ako sa pakikinig sa lahat ng sasabihin niya. We barely talk about this stuff. Para kasing taboo na ito sa relasiyon namin. Pero dahil ikakasal na kami, siguro kailangan na naming harapin pareho.

"Noong wala ka, noong hindi ko alam kung paano ka hahanapin, nabuhay ako sa takot. Nabuhay ako sa takot na, baka pagbalik mo, may mahal ka nang iba. At mas lalo akong natakot na...sa paglisan mong 'yon, kasabay na no'n 'yung pagkawala ng pagmamahal mo sa akin."

He heaved a deep sigh as he drank another shot.

"Masakit 'yon. Seeing you the first time in almost two years that you were gone, and realizing that you really do unloved me, ang sakit sakit no'n," he chuckled. "Parang bumalik ako no'n sa mga araw na wala ka. Biglang pakiramdam ko, hindi kita maabot, hindi kita mahanap, hindi kita...makukuhang muli.

"Bigla akong bumalik sa mga araw na iniisip ko kung paano kita mahahanap, at kung paano ako mabubuhay sa araw-araw nang wala ka, kasi ramdam ko...ramdam ko kung paano ko naiwala ang pagmamahal mo sa akin. At kasalanan ko 'yon.

"Dumating pa nga sa point na...ipinagdasal kong buntis ka, na nabuntis ka, para sana magkaroon ka ng dahilan para umuwi at bumalik sa akin...para umuwi sa akin. Pero sa galit mo sa akin, baka hindi ka rin umuwi sa akin kahit na buntis ka man noong mga oras na 'yon...at nakakatawang maiintindihan ko pa rin 'yon kung sakali."

I heaved a deep sigh with tears forming on the corner of my eyes.

"George, tama na. Hindi totoo 'yan," I said when I couldn't handle the pain anymore.

"Anna, it's okay that I'd lost your love once. Kasi ginawa ko naman lahat ulit para mabalik. But this time, losing your love again means losing my life. I won't let that happen again. I won't let you go again. Never again, love. Never again."

I cried so much after hearing all the stories I missed when I left him. He cupped my face and wiped my tears with both of his thumb.

"Look at me," he said. I looked at him and saw his sincere eyes, staring at me. "Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko, sa lahat ng habang buhay ko, Anna. Be it in our past lives or in our future lives, future us, or future lifetime, ikaw at ikaw lang..."

I sobbed as tears continuously fall from my eyes.

"But you just told me that I loved my career more than I've ever loved you, George."

He chuckled. "And it's okay."

I held both of his hands that are holding my face.

"It's not, kasi hindi gano'n, George. Mas importante ka kaysa sa lahat ng mayroon ako, George. Baka hindi ko lang naiparamdam, pero ikaw lang din naman mula noon, hanggang ngayon. Ikaw lang..."

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon