41

375 13 1
                                    

41:



Nasa resort pa rin kami, at overnight talaga ito. Dapat nga ay 2:00 AM pa ang tapos ng party, pero itong si George, inaya na akong magpahinga dahil daw wala na siyang ibang gustong makita kung hindi ako lang.

"Baka magjugjugan kayo, ah?" sabi pa ni Cheska nang umalis kami ro'n at sinabing magpapahinga na sa k'warto namin. Tinawanan ko lang siya.

"Bawal?"

Tumawa nang malakas si Cheska sa sinabi ko bago ako binigyan ng limang shot ng Whiskey. Nang maubos ko ang lahat ng 'yon ay tsaka niya lang ako pinakawalan.

"Huwag mong lasingin bb ko!" sabi ni George tsaka ako hinila palayo kay Cheska.

Pumasok na kami sa room number na ibinigay sa amin kanina ni Felix. Naligo ako at nagpalit ng damit bago ako nahiga sa kama. Gano'n rin ang ginawa ni George. Pagkatapos no'n ay tumabi na siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Miss na miss kita," he whispered. "Sobrang miss kita."

I hugged him back. "Na-miss din kita."

Bahagya siyang kumalas sa yakap at mabagal akong pinaulanan ng halik sa mukha, na para bang tulad noon, noong hindi pa kami nagkaroon ng problema.

"Hinding-hindi ka na mawawala sa akin," he said. "Hinding-hindi ko na hahayaang mawala ka sa akin."

Right after he said that, he claimed my lips again, like he was so hungry with my lips. When we broke the kiss, he hugged me tight.

"Tulog na tayo, huh?" he said. "Paggising mo, sa akin ka pa rin. Kahit na anong mangyari, sa akin ka pa rin."

My heart was beating so fast, like my heart is going crazy for the fact that...I am with him agan.

Oo, natatakot akong maulit 'yong nangyari noon. Natatakot ako...

Pero mas malala kasi ang takot na mayroon ako sa puso ko noong wala siya sa tabi ko. Mas malala 'yong takot ko noon na baka tuluyan na siyang mawala sa akin.

Ayoko 'yon. Alam kong itinago ko ang totoong nararamdaman ko sa kan'ya, pinalabas kong wala na lang siya sa akin. Pero hindi...walang nagbago.

Heto pa rin ako...nandito pa rin ako.

"George..." I called him.

"Hmm?"

"Please...don't...don't do that again, huh?"

He hugged me tighter. "Hinding-hindi na. Pangako."

I sighed. "Kahit naman noong mga panahong wala ako, ako pa rin, hindi ba?" I asked like an innocent child. "Ako lang?"

He chuckled. "Ikaw lang kahit kailan. Ikaw pa rin...ikaw lang..."

I sighed. "Natatakot lang ako. Baka hindi ka na sa akin..." I chuckled. "Sorry, ang corny."

Kumalas siya sa yakap at hinalikan ako nang paulit-ulit sa labi.

"Sa 'yo lang magmula noon, at sa 'yo pa rin hanggang ngayon.Walang nagbago. Ikaw pa rin; sa 'yo pa rin..."

He hugged me tighter again while his legs are wrapped around mine, clinging on to me like a child. I laughed.

"Para ka pa ring bata!" I said, laughing. "Hanggang ngayon, gan'yan ka pa rin!"

He chuckled. "Sabi ko naman sa 'yo, old habits die hard."

We finally fell asleep after.

_____

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon