27

324 12 5
                                    

27:



Natapos na ang bakasiyon namin ni George. Tatlong araw lang kaming nag-stay sa Baguio kasi 'yong tatlong araw ay inilaan namin sa mga pamilya namin sa Nueva Ecija.

"Hatid mo akong Ortigas?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami ng agahan naming dalawa. "Maghahanap na akong trabaho."

"Ayoko nga, nagbabayad ka ba ng pamasahe?" masungit na sabi niya.

"Alam mo, ikaw, ang pangit mo!"

He laughed. "Mas pangit ka! 'Wag kang magpapatalo!"

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niyang 'yon. Parang bata pa rin 'to!

Nang humupa na ang tawanan naming dalawa ay pinilit ko ulit siya.

"Hatid mo na ako! Ang lapit lang, eh."

"Oo na," he sipped on his coffee. "Bakit pala sa Ortigas pa? Ayaw mo na sa Ramirez?"

"Try ko raw muna sa iba, sabi ni Papa. Para raw mas marami experience ko."

Tumango siya. "Sabagay."

Gumayak na kaming dalawa. Nauna siyang maligo sa akin dahil nga matagal akong gumayak. Para puwede na siyang umalis kung sakali mang hindi pa ako tapos gumayak.

Nang matapos siyang maligo ay lumabas na siya ng CR. Hinarangan niya pa ako nung papasok na ako.

"Hoy, kapag ikaw, hindi nagmadali, iiwanan kita dito."

I chuckled. "Oo na!"

Hindi ko na nga in-enjoy ang pagligo dahil baka nga ma-late si George. Ayaw ko rin naman na ma-late siya nang dahil sa akin, 'no.

Kahit naman bullshit ang co-employees sa company kung saan siya nagta-trabaho, ayaw ko pa rin na umalis siya ro'n dahil malaki ang suweldo at incentives. Bihira ka na lang makakuha ng gano'ng trabaho.

Nang matapos gumayak ay inihatid niya ako sa Ortigas. Ibinaba niya ako sa harap ng Herrera Architectural firm. Nagpaalam na ako sa kaniya at inayos ang corporate attire na suot ko bago ako pumunta sa guard, dala ang mga printed resume ko.

"Brianna?"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Jin na nakasuot ng puting long sleeve na may logo ng company na ito.

Ang laki na kaagad ng pinagbago niya! Parang ang tagal na naming hindi nakita, ah?

"Jin!"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"I'm glad you still know me," he said as we let go of the hug.

"Sus, oo naman! Nagkakausap naman tayo paminsan-minsan, paano ko naman 'yon makakalimutan?"

He smiled. "So, what brings you here?"

"Job hunt," I answered.

"Ohh, nakapasa ka na nga pala! Congrats, Architect!"

Tumango ako. "Pumasok ka na, baka ma-late ka pa."

"May site visitation din ako sa Batangas, can you wait for me?"

"Huh? Bakit?"

He shrugged. "Coffee."

Itinuro niya ang Starbucks sa pagtawid mula sa company nila.

"Wait for me there."

Hindi pa man din ako nakakasagot ay tumakbo na siya papasok sa kumpaniya. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumawid at pumunta sa Starbucks. Baka sabihin ay umalis na lang ako bigla.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon