03

418 17 6
                                    

03:



"'Yan, Tama 'yang ginagawa mong pagka-cramming."

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at nakita ko si George na inaasar ako ng mga tingin nang maabutan niya ako sa kainan sa Gubat, nagmamadaling tapusin ang plates na ipapasa mamaya sa Architectural Design 2.

"Nakalimutan ko lang, 'wag ka ngang epal!"

"Mga palusot mo, tss."

Ibinaligtad niya ang monobloc na nasa harap ko at naupo doon, tsaka ipinatong ang dalawang braso at ang baba sa sandalan nito.

Nakalimutan ko lang naman talagang gawin itong plates sa Architectural Design 2. Gumawa rin kasi ako ng assignment sa Physics 1.

"Kunwari ka pa, last sem din naman nagka-cramming ka na talaga."

Tiningnan ko siya nang masama.

"Hindi ko pinakikialaman pagka-cramming mo sa Business Plan mo, okay?"

Tinawanan niya lang ako at pagkatapos ay tumayo. Tiningnan ko kung saan siya nagpunta at nakita kong bumili siya ng pagkain. Tiningnan ko ang oras at nakitang 1:47 PM na pala. Hindi pa ako nagta-tanghalian. May klase na ako mamayang 2:30 PM.

"Kumain ka na?" tanong niya pagkarating niya sa table ko at ibinaba ang dalawang bowl ng kwek-kwek at dalawang bote ng Mirinda.

"Hindi pa."

"Anong oras na, oh?" naiinis na sabi niya.

Tumayo ulit siya at umalis. Hindi ko na siya binigyan pa ng pansin dahil patapos na rin naman na 'to, pinapatungan ko na lang ng tech pen ang mga ginuhit ko gamit ang mechanical pencil.

Ilang sandali pa ay bumalik siyang may hawak na tray na may dalang dalawang cup ng kanin at caldereta na ulam. Ibinalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko.

"Kumain ka."

"Mamaya na, tatapusin ko lang 'to." sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Hindi na siya nagsalita. Ilang sandali pa ay may kutsara nang nasa harap ko. Mabilis kong hinarangan ng kamay ko ang plates ko at tiningnan nang masama si George.

"Baka mapatakan ng sauce 'yung plates ko!"

"Kainin mo na kasi 'to."

Wala na akong nagawa kung hindi ang isubo ang kutsara sa bibig ko. Muli kong itinuloy ang pag-drawing.

"Bakit ang aga ng dismissal mo?" tanong ko.

"Ah," sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong may parating na namang kutsara sa akin.

"Eto na 'yung airplane..." parang bata na sabi niya.

Tumawa ako bago isinubo kaagad 'yon bago makarating sa tapat ng papel ko.

"Eh nag-quiz lang kami sa Management tapos pinalayas na kami," sagot niya sa tanong ko kanina. "2:30 na ulit klase ko. Sabay na tayo umalis."

Muli niyang tinawag ang atensiyon ko para subuan ulit, nag-iingat na baka mapatakan ang plates ko. Ganoon lang ang ginawa naming dalawa; gumagawa ako ng plates habang sinusubuan niya ako ng para sa lunch ko.

Nang matapos akong gumawa ng plates at kumain ng lunch ay iniligpit ko na ang gamit ko at inilagay sa bag ko. Marahan kong ini-roll ang A3 paper na pinag-gawaan ko ng plates at inilagay sa loob ng canister, bago kinain ang kwek-kwek na binili niya para sa akin.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon