29

336 12 7
                                    

29:



Three months after, natapos na ang remodelling ng bahay sa Bulacan ng kliyente namin.

Sobra ang tuwa niya sa naging resulta dahil mas bumagay pa ang tiles na ipinalit ko kaysa sa tiles na naunang pinakita niya sa akin. Tuwang-tuwa siya. Bahagya pa siyang nagsisi na kung anu-ano pa raw ang ginawa niyang basehan, eh magaling naman raw pala ako kung sa sarili ko lang.

Muntik na akong mag-flip ng buhok at sabihing ako pa ba, Ma'am?

Nang matapos ay bumalik ako sa isang project na binitawan ko pansamantala. Mall ang isa naming project at iyon ay binitawan ko na muna dahil nagkakaroon yata ng problema ang kliyente namin sa pagtatayuan, maging sa munisipyo.

"May project tayo sa Baguio," sabi ni Architect Perez sa meeting. "Condominium building."

"Saan naman po ang site?" tanong ni Architect dela Paz.

"Maryheights," pagsagot nito. "Pero dahil malayo ang Baguio rito, at may branch naman ang Herrera do'n, suggested ng ating boss na manatili ro'n ang mga architect na mapipiling hahawak ng proyekto hanggang sa matapos."

Malapit sa lupa na kinuha namin ni George para sa bahay namin. Fully-paid na iyon at nakapangalan na sa aming dalawa ang titulo kaya naman ang pinag-iipunan na lang namin ay ang pampagawa na ng bahay.

Marami pang ipinaliwanag sa meeting si Architect Perez, and head ng Architecture department, bago natapos ang meeting.

Habang kumakain sa cafeteria para sa lunchbreak, nag-usap kami ni Jin.

"Gusto kong kuhanin 'yong sa Baguio," sabi ni Jin.

"Para kay Ruby? Sus. Nagpunta ka talaga ng Baguio para ro'n at hindi para sa trabaho, ah?" I chuckled.

"Sasabay ko lang," he laughed.


Nang matapos ang trabaho para sa araw na iyon ay dumiretso na rin ako sa apartment. Nagco-commute pa lang ako since maaga ang uwian ko kaysa kay George at wala pa akong sapat na pera pambili ng sasakyan.

I mean, meron naman. Pero may sasakyan naman na si George kaya hindi ko na nai-priority.

Nagbihis ako at nagsimulang gumawa ng plano para sa mall na itatayo. Hindi naman urgent pero maaga pa kasi para magluto.

Nang mag-6:30 PM na ay itinigil ko na muna ang ginagawa ko at nagsimula nang magluto. Wala pa rin si George. Sigurado akong napagkaisahan na naman 'yon ng mga katrabaho niya.

Napabuntonghininga ako.

Nang matapos akong magluto ay bumalik ako sa living room at nag-text sa kaniya.

To: Asawa kong pogi ♥

Ano oras uuwi

I waited for his reply but he didn't. Ano pa nga ba ang aasahan ko, hindi ba? Lagi naman nang gano'n. Kailangang masanay na akong mas mahalaga ang mga katrabaho niya kaysa sa akin, para sakan'ya.

Kumain na lang akong mag-isa, naligo, at natulog.


Madaling-araw nang magising ako nang maramdaman kong may humahalik sa mukha ko. Lumayo ako ro'n at nakita ko si George.

"Love, I'm sorry..."

Nagbuntonghininga ako. "Kauuwi mo lang?"

He nodded. "I'm sorry, kinuha nila 'yong cellphone ko."

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon