39

383 13 0
                                    

39:



Isang linggo bago ang reunion ng high school batch namin sa Nueva Ecija, napag-utusan akong pumunta sa munisipyo para i-confirm ang renovation ng Botanical Garden. Since, Botanical Garden ay isa sa top tourist spots ng Baguio, the government avail the service of our firm to make the garden more beautiful and more decent.

When my meeting was done, I went out of the municipal hall.

Habang hinahalughog ko ang bag ko para kuhanin ang susi ng sasakyan ay may tumawag sa akin na parang hinahabol pa ako base sa tunog ng heels niya sa tiles.

"Anna!"

When I turn around, I saw someone familiar. Inaninag ko pa siyang mabuti dahil hindi ko na gaanong tanda kung sino 'yon sa napakaraming taon na hindi naman kami nagkita talaga.

"Uhm...?"

She chuckled when she stopped in front of me. Naglahad siya ng kamay sa akin.

"Tori."

"Ohh!" tinanggap ko ang kamay niya. "Kumusta?" tanong ko.

"Eto, dito na ako nagta-trabaho pero pauwi na rin ako."

Ngumiti ako at tumango. "Ako rin pauwi na. Um-attend lang ako ng meeting."

"Wow, really? Come on, let's have a drink! Sama natin si Gian at Maverick."

I chuckled. "Okay lang naman pero daraan pa ako sa opisina. Okay lang?"

Tumango siya. "Okay!"

Sumakay na kami sa kani-kaniyang sasakyan namin. Nakita ko siyang sumusunod sa akin kaya naman hindi ko gaanong binilisan ang pagtakbo.

Nag-park ako sa parking lot at ibinigay ang papers at 'yong mga nakasulat sa notebook ko na napag-meeting-an namin sa aming head architect. Nang matapos siyang magbilin ay nag-time out na ako.

"Nagmamadali?" tanong ni Jin nang makitang nagmamadali akong kuhanin ang gamit ko sa cubicle ko. "May lakad?"

I chuckled. "Oo, sorry. Sa Lunes ko na lang tapusin 'yong naiwan kong trabaho."

He smiled. "Okay lang 'yan, Architect Ria!"

I chuckled as we both did a fist bump.

Nang tuluyan na akong makapag-time out ay sumakay ako ng elevator papunta sa underground parking lot. Halos patakbo kong tinahak ang daan papunta sa sasakyan ko dahil ayaw ko talaga nang may naghihintay sa akin, eh. Nakaka-pressure!

Nang lumabas ako ng parking lot ay nakita ko ang sasakyan ni Tori na naka-park sa gilid at nakabukas ang bintana. Bumusina ako sa kan'ya para makuha ang atensiyon niya.

"Let's go?" she asked.

"Oo."

Nauna siyang mag-drive papunta sa kung saan kami pupunta. Wala akong ideya sa kung saan kami pupunta talaga since siya lang naman ang nagplano nito. Hindi niya ako sinabihan kung saan kami pupunta, eh. Eh 'di sana do'n na lang kami nagkita at hindi na siya naghintay pa sa akin.

We went to Good Taste Restaurant first to eat.

"Nandito rin sila?" tanong ko nang makababa na kami sa sasakyan namin.

"Wala. Dumiretso na sa bar 'yong dalawang 'yon."

Napatango ako.

Nang makahanap ng table ay um-order na kami ng meal para sa aming dalawa. I ordered buttered shrimp while she ordered kare-kare.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon