21

335 10 1
                                    

21:



Niligpit na namin ang mga gamit namin sa apartment namin ni George dahil ngayon na ang huling araw namin doon. Yumakap ako sa landlady na si Manang Elsa.

"Thank you, Manang. Napakabuti mo," sabi ko. "Maraming salamat sa malaking discount sa buwanang renta sa loob ng limang taon."

Bahagya niyang ni-tap ang likod ko habang yakap namin ang isa't-isa.

"Masayang-masaya ako na nagtapos kayong dalawa nang magkasama. Proud na proud ako sa inyong dalawa."

Tumulo ang luha ko at muling hinigpitan ang yakap.

Bibisitahin talaga kita dito palagi. Naging Nanay na rin kita sa lugar na 'to. Salamat sa mga gatas ng kalabaw na alam kong iniiwan mo sa labas ng unit namin," I wiped my tears.

Manang Elsa always left a bottle of cow milk outside our unit. Alam kong siya 'yon, siya lang naman ang nakikita kong umiinom no'n dito, lalo na kapag hinahatid ko ang bayad ng renta namin ni George sa bahay nila.

She laughed. "Alam ko kasing nag-aaral kayong mabuti. Gusto ko lang makatulong sa kahit na ganoong paraan."

Kumalas ako sa yakap at ngumiti sa kaniya.

"Babalik ako ditong licensed architect na, Manang! Pangako 'yan!"

Tumango siya. "Gusto ko rin na kasal na kayong dalawa kapag bumalik kayo rito."

Umakbay sa akin si George at siya na ang sumagot sa sinabi ni Manang.

"Oo naman, pangako 'yan."

"Bastad dadalaw-dalawin kita!"

Tumawa si Manang. "O sige, maiwan ko na kayo. Tapusin niyo na 'yan."

Umalis na ng unit namin si Manang at pinagpatuloy na namin ni George ang pagliligpit ng gamit namin. Tapos na kaming maglagay ng mga damit sa maleta, at ang mga natitira na lang ay ang ibang gamit.

Inilabas ko na ng unit ang maleta namin at nadaanan naman ng tingin ko ang scale model na ginawa namin ni George nang magkasama. Kinuha ko 'yon at dinala na rin sa labas. Sakto namang nagkasalubong kami ni George.

"Uy, 'yung bahay natin," he laughed. "Excited na ako."

I smiled. "Ako rin," iniabot ko sa kaniya ang scale model. "Uwi mo. Ikaw muna magtabi hangga't hindi pa tayo magkasama ulit ng apartment."

Tumango siya at kinuha iyon sa akin. "Ilalagay ko na ba sa sasakyan itong maleta mo?" tanong niya.

"Oo, pakisabay na rin. Salamat."

Pumasok ulit ako ng unit at tiningnan kung may mga gamit pang naiwan. Nakita ko sa living room na nakasabit pa ro'n ang painting ng bahay namin. Napangiti ako at kinuha iyon, tsaka dinala na rin sa ibaba. Nakita kong ikinakarga ni George ang mga maleta namin sa compartment ng sasakyan ng Papa niya.

"Ito rin, uwi mo na."

"Ikaw na d'yan, sa akin 'yong bahay, sa 'yo 'yong painting," sabi niya.

Tumango ako. "Oh, ilagay mo na rin 'to d'yan."

Muli kaming umakyat at kinuha na ang mga maliliit at mga ilang gamit namin na natitira sa loob, bago ini-lock ang apartment. Pumunta kami sa bahay ni Manang Elsa para isoli ang susi at para magpaalam.

"Aalis na kayo? Kumain na muna kayo, halika."

"Thank you, Manang!"

Pumasok kami sa loob ng bahay niya at nakikain ng tanghalian. Marami siyang kuwento tungkol sa mga estudyante na inalagaan niya rin habang nangungupahan sa unit niya. Ang iba nga raw ay walang pambayad para sa isang buwan kaya hindi na niya sinisingil minsan.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon