18

343 8 1
                                    

18:

Nasa loob kaming lahat ng apartment para sa final touches ng plate for School for the Arts sa Region 3 na ginawa naming thesis study namin.

"Tangina, Architecture!!! Ubos na ubos na ang pera ko sa 'yo!" nanggigigil na sabi ni Deli habang nagre-render sa Lumion.

"At dugo!" hirit ni Aika. "Wala na akong naitulog na eight hours, o kahit na six hours, dahil sa 'yo!"

"Ubos na rin ang kape na stock ko sa bahay!" sabi ni KC.

"Ubos na lahat ng emosiyon ko dahil sa Architecture," sagot ni Karlo na tinawanan naming lahat.

"Totoo naman," sabi ni KC. "Lahat na yata ng emosiyon, naramdaman na natin dahil sa kursong 'to."

"Hmm, mukhang na-broken ka, ah?" pang-aasar ko.

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi 'no!"

Sinundot ko ang kili-kili niya habang nakangisi sa kaniya.

"Ayiee, ikaw ha! Baka may itinatago ka sa amin!"

"Duh, wala 'no!"

Nag-asaran pa kami nang nag-asaran na lima hanggang sa dumating si George sa living room na may dalang napakaraming Pancit Canton.

"Miryenda na muna."

"Thank you, Papa George!" Sabi ni Deli bago kumuha ng Pancit Canton sa lalagyan.

"Yey! You the best talaga! Kaya gustong-gusto kong gumagawa ng project dito sa apartment niyo, eh," sabi ni Aika.

Tinawanan lang namin sila. Bumalik si George sa kusina kaya naman sumunod ako do'n. Nakita ko pa na tumingin si Karlo sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

"Oy," pagtawag ko sa kaniya.

Nasa harap na siya ng ref ngayon.

"Oh, bb ko why?" sabi niya tsaka binuksan ang ref.

"Pahinga ka na muna, kagagaling mo lang sa trabaho."

Kumuha siya ng yelo at tubig tsaka nilagyan ng juice para itimpla.

"Okay lang ako, hindi naman nakakapagod 'to."

"Ako na d'yan," sabi ko. "Magpahinga ka na muna."

Tumawa siya. "Hindi naman nakakapagod maghanda ng miryenda, bb ko."

Tumawa ako bago hinayaan na lang siya. Matapos niyang haluin ang juice at mailagay sa tray ang pitsel kasama ang mga baso ay humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at pinaulanan ako ng halik, dahilan para mapahagikgik ako.

"Nawa'y lahat!!! Putang ina ayaw ko nang gumawa ng project dito!!!" reklamo ni Deli tapos ay kunwaring nagdabog.

Natawa kaming pareho, lalo na noong makitang pinanonood pala nila kaming lahat, maliban kay Karlo na nakatutok lang sa laptop.

Kinuha na ni George ang tray na may limang baso at isang pitsel na may juice, tsaka dinala sa living room.

"Thank you, Papa George!" halos sabay-sabay na sabi ng tatlong babae.

"Walang anuman, mga anak."

Humagalpak kaming lahat ng tawa, maging si Karlo, sa naging hirit ni George sa kanila.

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko do'n!" sabi ni KC habang tumatawa.

"Uy, Papa George, kumain ka na rin dito. Ang dami mo namang niluto, parang ang lakas naming kumain," sabi ni Aika.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon