15

359 16 8
                                    

R-18

15:



The second semester for our fourth year in college started three weeks ago, and George decided to have his OJT here in Cabanatuan. Doon lang siya sa Integrated Bar of the Philippines.

Ako naman ay nagsisimula nang mag-brainstorming para sa final plates ko this semester, which is a hospital building.

Groupings naman ulit, pero this time, mga kagrupo ulit namin ang kasama namin sa grupo. Kaming apat na magkakaibigang babae ay magkakasama sa grupo, tapos si Karlo rin, sumama. Kailangan daw ay lima sa kada-grupo kaya naman tinanggap na namin si Karlo kahit na madtrip si KC sa kaniya palagi.

At isa pa, mainam rin naman ka-grupo si Karlo dahil masipag.

"Napakabusisi naman!!!" reklamo ni KC habang sinasabunutan ang sarili gamit ang dalawang kamay. "Nababadtrip na ako dito sa arkitekturang 'to!"

"Kaya nga, puta! Maternity division pa lang natatapos ko sa lahat ng areas na ako ang gagawa! Kinginang buhay 'to!" buwisit na buwisit na sabi ni Deli.

"Chill!" sabi ni Karlo. "Kaya natin 'to, ano ba kayo."

"Tama!" sabay na sabi namin ni Aika.

Nasa bahay kami nila Deli ngayon sa Kapitan Pepe. Sa apat na taong pagiging magkakaklase namin sa kursong ito, talaga namang naging matibay na rin ang samahan namin, at sa dami ng nag-shift at nag-stop, nanatili pa rin kaming buo at may tiwala sa bawat isa.

"Next year, fifth year na tayo," sabi ko. "Kinakabahan ako sa thesis."

"Alam niyo, basta tayo tayo pa rin ang magkaka-grupo, feeling ko naman hindi na tayo dapat kabahan," sabi ni Aika. "O kung kabahan man, siguro bawasan kasi 'di ba? Simula pa lang magkakaibigan na tayo. Sino-sino na lang ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo lang din naman, 'di ba?"

Pumalakpak si Deli sa narinig kay Aika. "May nasabi ka ring matino, sa wakas!"

Nagtawanan kami bago itinuloy na ang mga ginagawa.


Halos gabi na akong nakauwi kaya naman pagdating ko sa apartment ay hindi na ako nagulat na nakita ko si George na nagluluto.

"Hi, architect!" sabi niya mula sa kusina bago lumapit sa akin. "Kumusta?"

Ibinaba ko ang laptop bag sa couch at yumakap sa kaniya.

"Sumasakit ulo ko," sabi ko.

"Bakit? Magpalit ka na ng damit, baka naiinitan ka sa uniform mo."

Maaga lang kasi talagang nag-uwian kaya naman dumiretso na kami sa bahay nila Deli para ituloy ang plates. Mahirap nang mag-cramming ngayon dahil ang daming plates, at nakakatakot na ang bumagsak ngayon. Puro pre-requisite ang subject namin, kaya siguradong mahihirapan kaming gumraduate on time kung sakaling magkabagsak kami.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at nagpalit ng t-shirt at shorts, bago lumabas para kumain ng hapunan na niluto niya.

"Anong niluto mo?" tanong ko.

He chuckled. "Ginisang corned beef na may repolyo."

Inilagay na niya 'yon sa bowl at nilagay sa table.

"Kain ka na bb ko. Matulog ka kaya nang maaga ngayon? Palagi ka na lang puyat, kulang sa tulog, o literal na walang tulog!" umiling siya habang pumapalatak. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. "Hindi puwede 'yang gan'yan. Magpahinga ka rin."

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon