22

335 11 5
                                    

22:



Tulad ng sinabi ko noon kay Jin Harold, sa company na sinabi ni Papa ako kumuha ng apprenticeship dahil do'n siya naging apprentice noong kaga-graduate niya pa lang.

Masakit nga lang na sa BGC pa iyon. Bukod sa ang mahal ng mga apartment dito, ang layo! Masaya akong dito ako kukuha ng apprenticeship, pero ang masakit...hindi naman malaki ang bayad sa mga kumukuha ng apprenticeship!

"Papa naman kasi, bakit sa Taguig pa, ang dami-dami kayang ibang Architectural Firm sa Manila!" reklamo ko habang ka-video call ko siya sa living room ng bahay namin.

Last month pa siya nakabalik sa Australia at ngayon ko lang na-confirm 'yong company kung saan ako kukuha ng apprenticeship. Ang iniisip ko pa naman ay sa Las Piñas o QC man lang dahil maraming mura na apartment do'n. Malaman-laman ko, sa BGC pala.

Kung twelve to fifteen thousand ang monthly salary ng apprenticeship do'n, kalahati agad do'n, nakapalaban na kaagad sa apartment!

"Investment ang tawag d'yan, anak. Sa ngayon, masasabi mong magastos, at malaking pera ang mauubos mo, marami kang gagamiting enerhiya at talino d'yan, pero sinasabi ko sa 'yo, pagkatapos ng apprenticeship mo, malaking advantage 'yan sa 'yo kapag naging professional architect ka na. Mas malaki ang balik sa 'yo niyang investment mo."

Napabuntonghininga na lang ako at napanguso. Nai-stress na ako ngayon pa lang. In two weeks ay mag-i-start na ako sa apprenticeship ko, tapos hindi pa makakalipat kaagad do'n si George dahil nga tinatapos niya pa ang one year contract niya ng regularization.

Mabuti na lang talaga natuto na akong gumising nang maaga simula noong nagkaroon ng trabaho si George kaya ngayon, ang body clock ko ay laging 6:00 – 7:00 AM ang gising.

"At huwag kang mag-alala, habang nag-a-apprentice ka pa lang, bibigyan pa kita ng monthly allowance mo tulad noong estudyante ka pa lang."

Ngumiti ako nang malawak sa sinabi ni Papa. "Talaga?! Pati 'yong bayad ng apartment?!"

Tumawa si Papa sa screen. "Hindi, ikaw na bahala do'n sa bayad ng apartment. Humanap ka muna ng mura habang hindi ka pa puwedeng samahan ni George. Kahit mag-bedspace ka na muna. Padadalhan kita ng five thousand kada buwan para sa allowance mo."

Tumango ako bilang tugon.

Marami siyang advice sa akin tungkol sa pagkuha ng apprenticeship, kung paano matututunan lahat ng dapat matutunan, at sinabi niya rin na kung kailangan ko nga raw ng tulong ay magtanong daw ako sa kaniya. 25 years na siyang architect, at nakaka-proud maging anak niya.

"Basta kapag may hindi ka naintindihan sa itinuturo nila, o sa mga ginagawa nila, magtanong ka. Mababait naman ang mga tao ro'n kaya nga ro'n kita pinapunta kasi gusto kong nasa mabuti at maayos na kapaligiran ka..."

Marami pa kaming ibang bagay na pinag-usapan ni Papa bago siya nagpaalam na dahil sobrang late na raw doon.

"Good night, Papa!"

"Sige, good night, Architect Brianna."

Tumawa pa ako sa sinabi ni Papa dahil sa kilig bago niya pinatay na ang video call ng Skype. Sinarado ko na rin ang laptop at pumunta sa kusina.

"Oh? Anong sabi ng Papa mo?" tanong sa akin ni Mama noong kumuha ako ng piniprito niyang manok. Tinapik niya ang kamay ko. "Ulam 'yan! Bakit pinapapak mo?"

"Aray, 'Ma!"

"Anong sabi ng Papa mo? Kailan ba alis mo?"

"Oo nga, Ate. Umalis ka na, nasusuya na ako sa mukha mo. Ang tagal mo nang nakatira sa bahay na 'to!" singit ni Bryan na kadarating lang din sa kusina.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon