02

441 18 16
                                    

02:



"Ano bang gusto mong brand ng T-Square?" tanong sa akin ni George habang nag-iikot kami sa loob ng NE Pacific Mall.

"Rotring? Ano ba mas mura?" tanong ko.

"Mas mura yata ang Rotring kaysa sa Staedler."

"'Yun na lang, pareho namang nakasukat 'yon."

"Ilang inches daw kailangan?"

"48."

Pumasok kami sa National Book Store at nag-inquire siya sa cashier kung may T-Square. Mayroon daw pero Staedler na lang.

"Ay, wala nang Rotring?" dismayadong tanong ko.

"Kasasabi lang, 'di ba?" sabi ni George.

Inirapan ko siya.

"Okay na 'yan," sabi ko.

Hinanap ko na rin doon ang ibang materials na kailangan ko tulad ng tech pen, na talaga namang napakamahal. 0.1, 0.3 at 0.5 ang mga point na kinuha ko. Bumili na rin ako ng triangular scale, triangle na 60 degrees at 45 degrees, canister, tracing paper, A3 size paper, metal rulers, L-square, at iba't-ibang point ng Unipin.

Binili ko na rin ang mga Staedler pencil na kailangan, at mga mechanical pencil; halos lahat ay Staedler ang brand na binili ko dahil iyon naman talaga ang pinakamainam para sa mga estudyante. Isinabay ko na rin ang iba't-ibang point ng Unipin dahil mas mura iyon pero maganda rin naman gamitin.

Marami pa akong materials na binili at talaga namang mukha akong nag-shopping dahil sa itsura namin ni George ngayon.

Halos naubos ang pinadala sa akin ni Papa na P10,000 para sa materials ko. Pinadala ko naman sa kaniya ang resibo at nang makita niyang nag-aaral nang mabut at hindi nangungupit ang anak niya dito sa Pilipinas.

"Okay na?" tanong ni George pagkalabas namin sa National Book Store.

"Oo, okay na.Ubos na pera ko."

"Pang-mayaman naman kasi ang kursong kinuha mo," sabi niya.

"Eh, ito gusto ko," I said. "Mana ako sa Papa ko."

"Ah, oo nga pala."

Architect din ang Tatay ko, kaso nga lang ay sa Australia naka-base.

He chuckled.

Pumasok kami sa McDonalds at doon kumain ng tanghalian namin. Sabado ngayon kaya marami ang tao sa mall. Next Saturday ay may pasok na rin ako sa school dahil may NSTP kami.

In short, maglilinis.

Parang community service pero may klase at exam. Ang arte.

"Uy, Cortez!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin habang kumakain kami ni George. Nakita ko ulit si Karlo na kasama ang iba naming kaklase. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni George, pero hindi ko pinansin.

"Uy!"

Tumayo ako at nakipag-high five sa kanilang apat.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ko.

"Bibili rin kami ng mats," sagot ni Eric.

"Oo nga. Nakabili ka na?" tanong ni Karlo.

"Ahh, oo."

"Kumain ka nga."

Napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita ko ang nakasimangot na si George.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon