26

301 10 0
                                    

26:



"Puwede na ba 'to?" tanong ko kay George habang nasa SM MOA kami.

Bukas na nang umaga ang alis namin para bukas, papunta ng Baguio. Birthday ni Lola Theresa, at 80 na siya. Nakakatuwa lang na ang lakas niya pa rin at handa pang makipag-bagets-an sa amin.

"Kung ako si Lola, hindi kita pagagastusin," sabi niya.

Bumibili kami ng pang-display sa bahay, kasi hindi ko na talaga alam kung ano ang bibilhin namin. Napanguso na lang ako.

Lumabas kami sa section na 'yon.

"Bilhan ko na lang ng alahas si Lola," I chuckled.

"Eh 'di lalong hindi tinanggap no'n 'yon."

Umakbay siya sa akin habang naglalakad kami sa mall.

Kanina pa kami nandito pero wala pa kaming nabibiling kahit na ano. Lahat na lang ng itinanong ko, kinontra niya. Hmp!

Sa huli ay binilhan ko na lang siya ng magkaka-partner na pantulog, tatlong pares ng comfy socks, isang coffee mug, at mga scarf since malamig ang klima sa Baguio.

Nang makauwi ay gabing-gabi na. Doon na kami kumain sa McDonald's nang sa gano'n ay hindi na kami magluto.

"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko kay George na kasalukuyan pa lang nag-e-empake.

Nakapag-empake na ako kanina habang naghihintay sa pag-uwi niya, eh.

Umiling siya. "Kiss mo na lang."

Tumawa ako bago siya tinulungan na magtupi ng mga damit.

Nang matapos ay dumiretso na kami sa pagtulog sa kuwarto niya.



Kinabukasan, tanghali na nang makarating kami Baguio. Bago kami dumiretso sa bahay ni Lola ay dumaan muna kami ng cakeshop para bumili ng cake.

Nang matapos ay dumiretso na kami sa bahay nila Lola Theresa sa Mabini.

"Apo!!!"

Masayang-masaya si Lola Theresa nang makita si George sa gate ng bahay niya. Halos tumakbo pa ito papunta sa kaniya para yakapin nang makitang kami pala ang nag-doorbell.

Kumalas sila sa yakap at sa akin naman siya lumapit para yakapin.

"Anna, apo!"

"Happy birthday, Lola."

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko at kamay ni George.

"Bakit hindi kayo nagsabi?"

"Surprise, s'yempre," sabi ni George.

Pumasok na kami sa loob. Sakto naman pala na may party mamaya ng gabi sa garden na in-arrange ng mga magpi-pinsan para kay Lola. Inimbitahan nito ang mga friends niya at mga kapit-bahay na iba para magkaroon ng kaonting inuman, sayawan, kantahan, salu-salo, kuwentuhan, at kung anu-ano pa.

"Akala ko hindi ka uuwi kaya hindi kita nasabihan!" sabi ni Henz nang natatawa nang magyakapan sila. "Kumusta?"

"Okay lang. Kayo, kumusta?"

Nagkaroon ng kuwentuhan habang kumakain kami ng tanghalian ni George. Napunta na si George sa mga pinsan niya sa garden at tumutulong sa paghahanda para sa party mamaya, habang ako naman ay kasama si Lola Theresa dahil sabi niya ay samahan ko siya.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon