40

442 12 1
                                    

40:



A week after, araw na ng pag-alis namin ni George pauwi ng Nueva Ecija para sa reunion. 4:00 AM pa lang ay bumangon na ako dahil sa walang tigil na pagtawag ni George sa akin.

"Bangon na, aalis na tayo maya-maya," sabi niya sa kabilang linya.

Napakamot ako sa ulo ko habang nakapikit ang mga mata.

"Five minutes," I said.

He chuckled. "Pangatlong five minutes mo na 'yan, bb! Baka ma-traffic tayo. Sa byahe ka na lang matulog, ako naman ang magdi-drive."

Naghikab ako bago sinabi sa kan'ya na nakabangon na nga ako kahit na ang totoo ay hindi pa naman talaga. Bumalik ako sa pagtulog ng ilang minuto, at ilang saglit lang din ay nakarinig na ako ng sunud-sunod na pagtunog ng doorbell ng apartment.

Padabog akong bumangon at lumabas ng apartment para pagbuksan kung sino man 'yon. Pagkabukas ko ng gate ay saktong pagpasok naman ni George doon.

"Ano ba 'yan," I said. "Napakaaga naman kasi. Kahit nga tanghali na tayong umalis dito ay aabot tayo sa event, George," reklamo ko.

He chuckled as he brushed his hand on my hair. "Mainam nang maaga tayong umalis para marami tayong quality time bago tayo istorbohin ng mga tao sa reunion."

Tinanggal ko ang kamay niya sa ulo ko at inirapan siya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang ref para maghanap ng pagkain, habang ako naman ay sa CR dumiretso para maligo, at mag-toothbrush.

Gusto ko pa sanang magbabad sa tubig dahil ang sarap maligo kapag bukas ang heater, lalo na't medyo malamig ang klima dito. Kung wala lang akong lakad ay nakababad na ako maghapon sa bath tub!

Nang matapos mag-toothbrush, maligo, at mag-apply ng skincare, lumabas na ako ng CR, suot ang bath robe ko, habang ang tuwalya ay nakapaikot sa ulo ko. Nakita ko si George na nakatalikod sa akin dahil nagluluto siya sa stove.

Napangiti ako nang maalala kong palagi siyang ganoon sa apartment namin noong magkasama kami. Nagbuga ako ng buntonghininga bago pumasok sa kuwarto ko para magbihis.

Nagsuot ako ng shorts, sleeveless crop top na nilagyan ko ng jacket, tsaka black na Nike shoes. Nang makapag-apply ng makeup ay lumabas na ako. Nakita ko roon si George na naghahanda na ng iniluto niya sa lamesa.

"Nakagayak ka na ba no'n?" tanong ko.

"Hindi pa," he said. "Kumain ka na. Uuwi lang ako sandali para maligo nang mabilis."

"Kumain ka na muna rito. Dito ka na maligo," sabi ko. "L-Lagi ka namang may dalang extra clothes, hindi ba..."

Pahina nang pahina ang boses ko sa sinabi kong 'yon dahil alam kong sa mga oras na ito ay tuwang-tuwa ang puso niya't may isang bagay akong alam sa kan'ya na hindi naman niya direktang sinabi sa akin.

Naobserbahan ko lang naman 'yon, na laging may extra clothes si George sa sasakyan, kaya naisip ko rin.

He chuckled. "Okay."

Naupo siya sa harap ko at nilagyan ng pagkain ang plato ko. Pigil ang ngiti ko habang pinanonood ko siyang malaki ang ngiti habang nagsasandok ng pagkain sa aming dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay mabilis lang siyang naligo, pagkatapos ay umalis na kami ng apartment. Ni-lock ko ang lahat ng puwedeng i-lock sa apartment bago kami lumabas ng gate. Ni-lock ko rin 'yon tsaka kami sumakay sa sasakyan niya.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon