31

387 19 5
                                    

SEASON TWO


31:



Nakalipat na kami nila Jin sa Baguio, at ang sakit sakit sa loob ko na kahit itong lugar na ito ay ang dami kong alaala kasama si George...maging ang pamilya niya.

Pinaalam ko na rin sa mga kaibigan kong sila Deli, KC at Aika na hiwalay na kami ni George dahil sabi sa akin ni Bryan kagabi ay nagpunta raw doon si Deli at KC para magtanong, pero wala rin nakuhang sagot.

"Bruha ka, bakit?!" sabi ni Deli habang magkaka-video call kaming apat.

"Nasaan ka ba?!" inis na sabi ni KC.

I chuckled. "Nasa abroad ako. Baka magulat si Aika na magkita kami sa bansa niya bigla," pagbibiro ko.

"Sinungaling! Gabi dito, gaga! Ang tirik ng araw d'yan sa lugar mo!"

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Aika.

"Bakit ba kasi kayo naghiwalay?"

I shrugged. "Hindi compatible?" I laughed.

"Bobo! Hindi compatible amputa, eight years nang nagsasama sa iisang bahay, ngayon pa lang mare-realize na hindi compatible?!" bulyaw sa akin ni Deli.

"Pero girl, okay lang kung hindi mo sabihin sa amin. It's your choice," sabi ni KC. "Baka personal din kasi Delilah, gago ka talaga!"

"Bakit? Kaibigan naman niya tayo! Siya ang kaibigan natin, hindi si George! Whatever the reason is, nasa kaniya ang loyalty ko, ano ba!"

Nagtalo pa sila sa screen ng laptop ko pero kahit na anong pamimilit nila sa akin ay hindi ko sinabi ang dahilan, at hindi ko rin sa kanila sinabi kung nasaan ako.

"Puntahan ko na lang kayo minsan, kapag may time makaalis dito," I said.

"Nasa Maguindanao siguro si sismars," sabi ni Aika na tinawanan naming lahat.

Nang matapos ang pag-uusap naming apat ay bumalik sa akin lahat ng kalungkutan at sakit na nararamdaman ko. Nahiga ako sa kama at kinumutan ang sarili. Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog kahit na hindi pa ako nanananghalian dahil wala rin naman akong gana.

"Anna..."

May kumakatok sa kuwarto ko pero hindi na ako nag-abala pang buksan iyon. I don't want to eat; alam kong 'yon lang din naman ang sasabihin nila.

"Anna, papasok na ako, ha?"

Hindi ko na pinansin si Jin at hinayaan na lang siya sa gusto niya.

"Kumain ka."

Naupo siya sa gilid ng kama ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan siya.

"Hindi ka rin kumain kaninang umaga..."

"Hindi naman ako gutom..."

Hindi ako makakain, kahit gustuhin ko. Ayaw ko naman talagang pabayaan ang sarili ko dahil wala namang mangyayari, pero hindi ko talaga kayang kumain ngayon.

Maging ang pagtulog ay hirap ko nang gawin.

Nagbuntonghininga si Jin.

"Kahit konti lang, may pagkain akong binili sa labas."

Tumango ako. "Mamaya, kakain ako."

Nagbuntonghininga siya at lumabas na ng kuwarto. Natulog na lang ako dahil 4:00 AM nang umalis kami sa Manila at simula kagabi ay wala pa akong tulog kahit na limang minuto lang.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon