09

338 11 2
                                    

09:



"Happy 30th!"

Napalingon ako kay George na naglalakad papunta sa akin dito sa living room habang nagpi-paint ako ng plates ko. May dala siyang tray na may lamang dalawang tasa ng kape at Monde mamon cupcake na may kandilang mahaba sa ibabaw. Tawang-tawa ako nang maibaba niya iyon sa table.

"Gago, dami mong alam!" sabi ko tsaka ibinaba ang brush.

"Bakit? Ayaw mo ng monthsary, eh. Eh 'di tuwing nakaka-anim na buwan tayo, magsi-celebrate tayo ng monthsary natin."

Yes, gano'n na nga ang ginagawa niya. Tuwing November 11 at May 11 ay may celebration kami para sa araw na naging kami. Ang May ay anniversary namin. Hindi naman kami magastos kasi pareho kaming mahigpit sa pera.

We closed our eyes and prayed...

Lord, please let us be each other's end game. That's the only thing that I will always ask you in this kinds of occasions. I have no plans on loving someone else, but him. Please, Lord. 

We blew the candle after praying silently.

"Paano 'yan, busy ako."

He smiled. "Okay lang, Architect. Puwede nang celebration 'to na kasama kita ngayong 12:00 AM."

I checked my wristwatch and saw that it's past 12:00 AM, so it's basically November 11 today. I went to him to kiss him on his cheek. He smiled at me quickly before I sat on the floor beside him.

"Happy 30th month, bb." I said.

He chuckled before kissing me on the cheek too.

"Ang aga naman ng painting niyo."

"Oo nga, eh. Okay lang, nakaka-enjoy naman."

We stayed like that for few minutes before we decided to sleep together.

"Saan tayo matutulog?" tanong ko.

"Sa kuwarto ko na lang," sabi niya. "Amoy bakla ang higaan mo."

Humagalpak ako ng tawa. Ang bango kaya! Amoy cherry!

"Amoy bakla ka d'yan!" I said while still laughing. "Kakainis ka."

Tinawanan niya lang ako bago kami pumasok sa CR nang sabay para may-toothbrush. Habang nagtu-toothbrush ay sinenyasan niya akong tumigil muna at alisin muna ang toothbrush sa bibig ko. Ilang saglit lang ay mabilis niyang idinampi ang labi niya sa labi ko.

Tiningnan ko siya nang masama noong ginawa niya 'yon. Tinawanan niya lang ako bago itinuloy ang pagtu-toothbrush.

Nang matapos kaming mag-toothbrush ay lumabas na siya ng CR para paunahin akong maligo. Mabilis lang din akong naligo, at sumunod na siya. Hinalikan pa ako sa ulo nang makasalubong ako bago siya pumasok sa CR.

Nang matapos na siyang maligo ay naabutan niya akong nagbo-blower ng buhok ko sa dresser ng kuwarto ko. Nakita niya agad ako dahil hinayaan kong nakabukas ang kuwarto ko.

Pumasok siya do'n at naupo sa paanan ng kama ko, katapat ko lang ngayon. Kinakaskas niya ng tuwalya ang buhok niyang basa pa.

"Ako rin," sabi niya.

Tumango ako. "Tapusin ko lang sa akin."

Ilang minuto ko pang ni-blower ang buhok kong mahaba, bago ako natapos. Bagay raw sa kaniyang architect ang mahabang buhok.

"Upo ka dito."

Tumayo ako at siya naman ang pinaupo ko sa tapat ng dresser ko. Nagsimula na akong i-blower ang buhok niya. Ilang saglit pa ay niyakap niya ako habang nakatayo sa gilid niya.

Unloved [Baguio Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon