Chapter 2

473 33 3
                                    

RITA'S POV





"Mommy... Mommy.."








Nagising ako dahil sa yugyog ni Rayven sakin.






Nagulat ako at biglang napaupo sa kama.










"Sino ang nagpapasok sayo dito?!!" sigaw ko agad sa kaniya.









"Tata.." banggit ni tita at agad pumasok sa kwarto ko't nilapitan kami.










"Tita, sino po ang nagsabing pwedeng pumasok ang batang yan dito??!" tanong ko at bumaba sa kama.










"Tata, huwag ka namang ganyan kay Rayven." saway ni tita at tinignan ang batang yun. "Anak, dun na tayo sa baba huh. Hindi kasi maganda ang gising ni mommy mo." aniya. "Halika na." dagdag niya at inalalayang bumaba ang batang yun sa kama ko.












"Mommy.." banggit niya at lumapit sakin.








Nagulat ako nung yakapin niya ko.










"I miss you mommy." banggit niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.










Para ko namang narinig yung tawa nung mga demonyong yun kaya agad ko siyang inilayo sakin.









"Huwag mo na ulit gagawin yun!!" galit kong sabi sa kaniya.









"Rita! Huwag mong sigawan ang bata!" saway ni tita sakin at kinuha uli si Rayven. "Kung hindi mo siya kayang ituring na anak. Kahit ituring mo na lang siyang kapatid!" banggit niya.










Mahal nga niya talaga ang batang yun.











"Tita, hindi ko siya kamag-anak. Ilayo niyo sakin ang batang yan!" banggit ko at yumukod para magkaharap kami ng batang yun. "Huwag na huwag ka ng lalapit uli sakin huh! Dahil sayo kaya miserable ang buhay ko!!" sumbat ko sa kaniya.










Biglang namuo ang luha sa mga mata niya.








"Huwag mo kong dramahang bata ka huh!" banggit ko at tinulak ang noo niya gamit ang daliri ko dahilan para mas umiyak siya.












"Tata naman!" banggit ni tita at binuhat ang batang yun. "Ginising ka lang naman nung bata kasi namiss ka niya. Masyado ka naman sa kaniya." banggit ni tita at niyakap si Rayven.












"Pumayag po akong dumito siya tita pero hindi po ko pumayag na pumasok po ang batang yan sa kwarto ko." mariing banggit ko.











"Wala namang kasalanan sayo yung bata eh. Huwag mo siyang idamay sa galit mo, Ta." aniya habang inaalo yung batang yun. "Tahan na anak." banggit pa niya.










"Tita, malaki ang kasalanan sakin ng batang yan! Siya ang nagpapaalala sakin nung mga nangyari noon, kaya ayoko siyang makita! o kahit makasama!!" banggit ko.








Tumingin sakin si Rayven habang umiiyak.










"Sorry mommy." hinging paumanhin niya habang patuloy sa pag-iyak.










Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon