Chapter 20

432 32 8
                                    


KEN'S POV






Agad akong bumaba sa kotse ko nung makapunta ko sa kanila.. Nakahinga ko ng maluwag nung wala pa kong makitang kahina-hinalang sasakyan sa labas ng bahay nila.













Agad akong pinapasok nung mga nagbabantay sa labas dahil kilala naman nila ko.











"O Ken.. Anong ginagawa mo di-"













Hindi ko na napigilan ang sarili kong takbuhin siya at yakapin. Sobrang natakot talaga ko sa pwedeng mangyari sa kaniya.












"Rita, kailangan mong sumama sakin ngayon huh." banggit ko nung humiwalay ako sa kaniya.














Tinignan niya ko na may pagtataka.











"Ha? Bakit?" tanong niya na kitang gulung-gulo sa sinabi ko.











"Saka na ko magpapaliwanag sayo dahil kailangan na nating umalis dito! Kailangan kitang mailayo dito!" banggit ko at hinila na siya.








"Teka.. bakit??" tanong niya at pinigilan ako.










"May gustong kumuha sayo ngayon dito Rita. Kukunin ka nung mga gustong kumidnap sayo!!" banggit ko.










"Pero nasa police station na daw si tito Bryx sabi nila daddy.." banggit niya.











"Rita, mahirap ipaliwanag pero kailangan talaga nating umalis ngayon! Nanganganib ka dah-"










Natigilan ako nung makarinig ako ng putukan sa labas.











"Ma'am, may mga armadong lalaki po sa labas!" banggit nung isa sa mga body guards niya.













"Rita, kailangan na nating umalis dito!! Wla na tayong oras!!" banggit ko at pumunta sa bintana nila para makita ang nangyayari sa labas. "Sh*t!! Ang dami nila. Paano na tayo makakapunta sa kotse ko?!"










Bigla akong kinabahan sa mga nangyayari ngayon. Natatakot ako para kay Rita.











"Pinapunta ko na po yung isang kasamahan namin sa likod sir. Doon na po kayo dumaan para maitakas si ma'am. Kami na pong bahala dito." banggit nung body guard niya.










Tumango ako. Tama.. Sa likod na lang kami dadaan para makatakas dahil ang daming armadong lalaki sa harap ng bahay nila Rita.














"Pwede ba kong makahiram din ng baril? In case lang na biglang may makakita samin." banggit ko.










Tumango siya at ibinigay sakin ang isang baril niya.











"Halika na po kayo ma'am. Sasamahan ko na po kayo sa likod para makatakas kayo dito." banggit niya.








"Teka.. Si Rayven??" tanong ko.








"Wala siya dito.. Nandun siya kila lola." banggit ni Rita na halata mo na ang pangamba sa mukha niya.









Nakahinga naman akong malaman yun. Buti naman at wala dito si Rayven.













Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon