Chapter 32

534 31 13
                                    

RED'S POV





Nagulat ako nung sinabi sakin ni Ken na meron pang nagtatangka sa buhay namin. Nakausap niya daw uli si Thalia at may nakita siyang kahina-hinalang sasakyan sa labas ng bahay namin.








Sinuggest ng mga pulis noon na kasuhan namin si Thalia dahil kasabwat nila siya, pero mariin iyong tinutulan ni Ken dahil siya ang nagligtas samin. Sang-ayon din naman ako sa kaniya.. Siya ang dahilan kung bakit kami nakaligtas ng buhay sa nangyaring yun.








Napansin kong hindi mapakali sa isang tabi si Ken. Malamang na nag-aalala siya kung sino na naman ang gustong manakit kay Rita.










"Ken, huwag kang mag-alala, sinabi ko kay Rita na huwag na huwag siyang magpapapasok ng kahit na sino sa bahay. Pina-lock ko sa kaniya ang buong bahay." banggit ko.








Mahal niya talaga ang anak ko dahil kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.








Tumango siya.










"Pasensiya na po. Nag-aalala lang po talaga ko." banggit niya dahilan para tapikin ko ang balikat niya.








"Salamat iho. Salamat sa pagprotekta at pagmamahal mo sa anak ko." banggit ko.








Tinignan niya ko at ngumiti.









"Anak niyo lang naman po talaga ang matigas sakin eh. Lagi na lang pong galit sakin." banggit niya. "Kaya huwag na po kayong magtaka kung kamukha ko po yung bata pag lumabas yun. Gigil na gigil po sakin si Tata." biro niya na ikinatawa ko.










"Magiging okay din kayo ni Tata, for sure." banggit ko na ikinangiti niya.











"Naku, sana nga po." nakangiting banggit niya.










Nung dumating ang daddy niya ay sama-sama naming pinanood ang cctv footages na nirequest namin.







Nagrequest kami non para makita kung kaninong kotse yung nagmamanman sa bahay namin. Pero madilim sa parteng iyon kung saan naka-park ang kotse kaya hindi ganung kalinaw ang kuha sa cctv.









"Ilang araw na rin palang nagpapabalik-balik ang kotseng to sa bahay niyo." banggit ni Steven.










"Oo nga.. sino siya?? Bakit niya ginagawa yan??" tanong ko.



----------------------------------

RITA'S POV







Nagluluto na ko ng dinner nung tumunog ang doorbell. Agad akong sumilip sa bintana para malaman kung sino ang dumating.












Nagtataka din kasi ako kung bakit pina-lock ni daddy ang buong bahay eh. Binilinan niya rin ako na huwag magpapapasok ng kahit na sino dito sa bahay.. Baka siguro kasi gabi na rin.







Lumabas ako nung makita kong si tito iyon.









"Hi Tata!" magiliw niyang bati kaya agad akong lumapit sa kaniya.







"Ikaw po pala tito." nakangiting banggit ko. "Kamusta po?" tanong ko.











"Eto okay naman. Pwede ba kong makiinom?? May dinaanan kasi ako diyan sa malapit, e nabanggit din naman sakin ng daddy mo na dito kayo nakatira kaya naisipan ko na ring dumalaw. Okay lang bang pumasok?? Nauuhaw na kasi talaga ko eh," nakangiting banggit niya.












Lost In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon