KEN'S POVPagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba para magpabili ng makakain kay Mang Cel.
Malamang na nagugutom na si Rita dahil sa mga nangyari kanina.
Nang dumating uli si Mang Cel ay inayos ko ang mga pagkaing dala niya at pinuntahan si Rita sa kwartong kinaroroonan niya.
Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.
Nakaupo lang siya sa kama at mukhang malalim ang iniisip.
"Sino yan?" tanong niya at tumingin sakin.
Nagtaka naman ako dahil don.
"Ako to." banggit ko at nakahinga naman siya ng maluwag.
"Ikaw pala Ken." banggit niya at tumungo uli.
"May problema ba??" tanong ko at lumapit sa kaniya.
"Wala kasi akong dalang extra contact lens kaya blurred ang paligid ko. Kaya hindi rin kita nakilala." banggit niya.
Oo nga pala! Malabo ang mga mata niya kasi kahit noon pa man ay nakasalamin na siya. Marahil tinanggal niya yung contact lens niya nung naligo siya.
"Huwag kang mag-alala, pupunta tayong mall bukas para mamili ng mga damit mo. Ipapacheck na rin natin ang mata mo para mabigyan ka ng tamang grado sa contact lens mo." banggit ko at dinala sa table yung tray na dala ko.
"Nahihiya na ko sayo Ken." mahinang banggit niya kaya agad akong pumunta uli sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi mo kailangang mahiya, kasi gusto ko rin lahat ng ginagawa ko para sayo." banggit ko para tignan niya ko.
Alam kong blurred ako sa kaniya pero ngumiti pa rin siya.
"Thank you talaga." nakangiting banggit niya.
"Wala yun noh haha. Tara na. Kain na tayo." banggit ko at inalalayan siya papunta dun sa table. Mababa lang yun kaya sa lapag kami umupo.
Natahimik kami habang kumakain.
"Ken, paano mo nalaman na may gustong kumuha sakin??" tanong niya nung tapos na kaming kumain.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang totoo tungkol kay Thalia kasi alam kong mas magtatanong pa siya tungkol sa kaniya. Baka isipin pa niyang kasabwat ko yung mga yun dahil may contact ako kay Thalia.
"May nagsabi sakin. Isang kaibigan na pwede kong asahan para mapanatili kang ligtas." banggit ko.
"Bakit mo ba to ginagawa?? Hindi ka ba natatakot na madamay sa problema ko? Baka pamilya mo naman ang pag-initan nila." banggit niya habang nakatungo.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomancePaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...