KEN'S POV"SIGE PA BATA!! HAHAHA! GALINGAN MO PA!!"
Parang mga demonyong sigaw nila.
Agad akong napamulat sa bangungot na yun. Habol ang hininga ko at ramdam ang pawis sa katawan ko. Umupo ako at agad uminom ng tubig na nasa side table ko.
Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso dahil sa bangungot na yun.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at nahawakan ang ulo ko.
Pitong taon... Pitong taon na pero hindi pa rin napagbabayaran ng mga hayop na yun ang ginawa nila samin!!
Naikuyom ko nang marahas ang mga kamao ko at muling naalala ang batang yun.. yung takot sa mga mata niya sa tuwing may gagawin ako.. Yung bawat pagmamakaawa niyang tigilan ko ang ginagawa ko.. Yung walang humpay niyang pag-iyak habang parang mga demonyong tumatawa yung mga hayop na mga lalaking yun habang pinapanood kami.
Lahat yun ay hindi pa napagbabayaran nung mga hayop na dumukot samin noon!!
Napatitig ako sa puting kumot ko at naalala ang mga huling pag-uusap naming dalawa.
* FLASHBACK *
Hindi man siya nakaharap sakin ay alam kong umiiyak na naman siya. Hindi katulad nung mga nakaraang araw ay hindi kami magkatabi ngayon. May malaking espasyo saming dalawa ngayon.
"Susunduin na tayo ni daddy. Ilalabas ka rin namin dito." banggit ko dahilan para tignan niya ko.
Hindi siya gaanong malinaw sa paningin ko dahil nearsighted ako pero alam kong nilingon niya ko.
"Makakaalis din tayo dito. Isasama ka namin." banggit ko sa kaniya.
Ilang minuto lang ay piniringan nila kami uli. Nakipag negosasyon sila sa daddy ko pero nung malaman nilang may kasamang mga pulis ang daddy ko ay nagkaroon ng barilan.
Tinamaan ako noon sa balikat dahilan para itakbo agad ako ni daddy sa hospital.
Paggising ko, hinahanap ko yung batang babae pero hindi na rin daw alam ni daddy kung saan siya napunta. Nagmadali daw kasi silang isugod ako sa hospital.
Nang maging okay ako ay kinausap ako nung mga pulis para sa imbestigasyon. Kinuwento ko ang mga nangyari at hinanap yung batang babae sa kanila. Ang sabi nila ay kinuha na daw siya ng pamilya niya kaya nakahinga din naman ako ng maluwag. At least alam kong nabawi na nila siya.
Tinanong ko sa mga pulis ang pangalan niya pero hindi nila ibinigay sakin. Sa utos na rin daw ng pamilya nung batang babae ay ayaw nilang ibigay ang pangalan niya dahil menor de edad lang siya.
Sa tatlong araw na magkasama kami, bakit nga ba hindi ko tinanong ang buong pangalan niya? Ang tanging alam ko lang ay ang palayaw niya.
"Tata." banggit ko at muling humiga.
Yun lang ang alam kong tawag sa kaniya.
Ilang taon ko na siyang hinahanap pero hindi ko siya makita. Ilang social media accounts na ang tinignan ko at nagbakasakaling yun siya.. pero bigo ako.
BINABASA MO ANG
Lost In Your Eyes
RomantizmPaano kung yung taong minahal mo ay may itinatagong madilim na nakaraan?? Isang nakaraang kahit ilang beses niyang kalimutan ay hindi niya magawa.. Nakaraang kahit ibaon sa limot ay tila multong bumabalik sa kaniyang alaala?.. Matatanggap mo ba iyon...